Muling dinala ng National Housing Authority (NHA) ang People’s Caravan sa Visayas Region upang maghatid ng komprehensibong serbisyo at programa sa mahigit 1,400 Cebuanong benepisyaryo ng pabahay sa Artemio Masbate Sports Complex, Brgy. Poblacion, San Remigio, Cebu, noong Hulyo 19, 2024.
Layunin ng liderato ni NHA General Manager Joeben A. Tai na mailapit ang government services sa mga resettlement sites bukod sa pagbibigay ng pabahay para sa mga benepisyaryo. Bilang kinatawan ni NHA GM Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang ika-7 nitong caravan ngayong taon para sa mga benepisyaryo ng St. Vincent Ferrer Homes 1, Brgy. Banban, Bogo City; San Remigio Heights, Brgy. Tambongon, San Remigio; Lawis Residences, Brgy. Lawis, San Remigio; Olivo Heights, Brgy. Olivo, Tabuelan; at Northview Park Homes, Brgy. Panugnawan, Medellin.
Mahigit 24 ahensya ng gobyerno at pribadong kompanya ang lumahok sa caravan para mag-alok ng kanilang mga libreng serbisyo.
Kabilang sa mga tanggapan na nakiisa ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa aplikasyon ng National ID at pag-isyu ng birth, certificate of no marriage record, at marriage certificates; mga clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP); aplikasyon ng membership at loyalty card, at updating of account mula sa Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Pag-IBIG Fund; at application/renewal ng driver’s license at motor vehicle registration, at student permit application sa Land Transportation Office (LTO).
Para sa medikal na atensyon, merong libreng medical at dental services, gupit, blood type testing, medical at eye-checkup, first aid demonstration, insurance membership and accidental benefits, volunteer recruitment at hygiene promotion mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP); Department of Health (DOH); Philippine National Police (PNP); at Philippine Red Cross (PRC).
Orientation para sa Sustainable Livelihood Program (SLP), social services, tulong pangkabuhayan at DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ang hatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE). Nagtayo naman ng Kadiwa Pop-Up Store ang Department of Agriculture (DA) para sa mura at sariwang prutas, gulay, karne, bigas, at libreng skills training with starter kits/ planting materials. Habang nagturo naman ng skills training sa food processing ang DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ang DOLE, kasama ang Public Employment Service Offices (PESO) ng mga munisipalidad ng San Remigio, Bogo, Medelin, Tabuelan ay nagsagawa ng job fair katuwang ang mga pribadong kompanya.
Para naman sa mga oportunidad sa trabaho, naghandog ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); Department of Science and Technology (DOST); Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); at Cooperative Development Authority (CDA) ng magkakaibang scholarship, skills training, pagsasanay, at lektura patungkol sa pagnenegosyo, programa at serbisyo para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at dependents nito, at pamamahala ng mga kooperatiba. Nagbigay din ng libreng hilot at gupit ang TESDA para sa mga benepisyaryo.
Nagsagawa naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng seedlings distribution, acceptance of pre-patent application at distribution of titles.
Kabilang sa caravan ang Ramon Aboitiz Foundation, Inc. na naghatid ng iba’t ibang serbisyo. Tulad ng membership application, oportunidad sa employment, Tindahan ni Nanay FAQ, Micro, Small, Medium Enterprises (MSME) na nag tinda ng kanilang produkto sa programa, at cancer screening.
Samantala, pinangunahan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang libreng konsultasyon sa usaping batas at pagpapanotaryo. Public at e-registration assistance ang ginawa ng Department of Migrant (DMW). Habang libreng internet connection sa buong programa ang hatid ng Department of Information and Communication Technology (DICT).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni NHA AGM Feliciano ang kahalagahan ng sama-samang pagsisikap ng mga ahensya at mga pribadong sektor sa paglalapit ng mga pangunahing pangangailangan at pangkabuhayan sa mga benepisyaryo ng NHA.
“Umiikot po ang National Housing Authority sa lahat ng resettlement sites sa buong Pilipinas upang ibaba at iparamdam ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.”
Mula noong inilunsad ang People’s Caravan, sunod-sunod ang pagdadaos ng caravan sa magkakaibang sulok ng bansa dahil sa patuloy at lumalawak na suporta ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor tungo sa maunlad na komunidad sa mga pabahay at sa Bagong Pilipinas.
Sa pamamahala ni Regional Manager Engr. Rizalino G. Cabahug, pinangasiwaan ng NHA Region VI ang Cebu People’s Caravan kasama sina Cebu Governor Gwendolyn F. Garcia at San Remigio Mayor Alfonso C. Pestolante, Bogo Mayor Carlo Jose A. Martinez, Medellin Mayor Joven Mondigo, Jr. and Tabuelan Mayor Raul T. Gerona.#