Feature Articles:

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino...

NHA at Consilidated Union of Employees Lumagda sa ika-9 na CNA

Matapos ang mahigit isang taon na negosasyon, pormal nang pinirmahan ng National Housing Authority (NHA) at ang opisyal na unyon ng mga empleyado nito, ang Consolidated Union of Employees (CUE), ang kanilang ika-siyam na Collective Negotiation Agreement (CNA) sa seremonyang isinagawa kamakailan lang sa NHA Main Office.

Ang bagong CNA ay naglalaman ng mahahalagang probisyon, kabilang ang pagbibigay ng transportation assistance para sa lahat ng empleyado ng NHA sa buong bansa at ang pagpapalakas ng mga pasilidad at kagamitan sa medisina upang suportahan ang kanilang pisikal at pangkaisipan na kalagayan. Kabilang sa mga pinahusay na aspeto ang pagbuo ng mga programang pangkalusugang mental at ang pagbibigay ng emergency hospitalization assistance para sa mga empleyado na maoospital habang ginagampanan ang kanilang opisyal na tungkulin.

Ang 9th CNA ay magiging epektibo mula ngayong taon hanggang 2028, kung saan nakapaloob din ang probisyong na karagdagang isang taong extension alinsunod sa Public Sector Labor Management Council (PSLMC) Resolution No. 1, s. 2022. Ang resolusyon na ito ay nagpapalawig sa bisa ng bawat CNA mula tatlong taon hanggang apat na taon.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni NHA General Manager Joeben Tai ang kanyang buong suporta sa bagong CNA at tinuturing itong isang “tagumpay” at “isang tunay na patunay ng dedikasyon at pagsisikap ng mga opisyal ng CUE at pamunuan ng NHA, kasama ang lahat ng mga taong kabilang dito.”

Binigyang-diin din ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, na kumatawan kay NHA GM Tai sa pagpirma ng kasunduan, ang kahalagahan ng CNA sa pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng mga empleyado at pagkilala sa kanilang mga karapatan bilang manggagawa.

Samantala, pinasalamatan naman ni CUE President Joselito R. Villanueva ang bumubuo ng CUE at Management CNA Panels sa kanilang pagsisikap sa pagbuo ng 9th CNA at nagpahayag ng pag-asa na ang maayos na relasyon na naitatag sa pagitan ng NHA at CUE mula nang nilagdaan ang kanilang kauna-unahang CNA noong 1995 ay magpapatuloy sa mga susunod pang mga taon.

Noong 1995, ang NHA at CUE ay lumagda sa kanilang unang CNA, na kinilala ng Civil Service Commission (CSC) at naging kauna-unahang ahensya ng gobyerno na nagpatupad ng nasabing kasunduan.#

Latest

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino...

“HINDI NA NILA MALOLOKO ANG TAUMBAYAN: CenPEG, binuksan ang katotohanan sa ‘Political Theater’ ng Kongreso!”

Mariing tinutukan ng isang non-government organization ang mainit na...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Gomez sets record straight, Forces apology from misinformed critics

Congressman Gomez Apologizes, Defends Flood Control Project Amid ControversyIn...
spot_imgspot_img

Bicolano groups demand accountability for “Faulty, Anomalous” infrastructure projects

A coalition of civil society and faith-based groups held a public forum on Monday, September 11, to demand transparency and justice for what they...

Higit sa DNA: Mga Ngipin, sekreto ng mga Forensic Expert sa pagkilala sa mga nasawi

Sa gitna ng malagim na trahedya, isang hindi inaasahang bayani ang lumalabas upang bigyan ng pangalan at kapayapaan ang mga biktima: ang forensic dentist. Nang...

Karamihan ng mga Pilipino, naniniwalang magwawakas ang korapsyon sa tulong ng blockchain – Survey

Ayon sa isang bagong survey, karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na ang teknolohiyang blockchain ang susi upang wakasan ang korapsyon sa bansa, at...