Feature Articles:

China-PH partnership to Pioneer Herbal Aesthetic and Wellness Innovation

SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao...

Filipino-Chinese Community nag-ambag ng ₱10 Milyon para sa mga biktima ng bagyo

Nagpakita ng mabilis at matibay na pagkakaisa ang Federation...

2025 National Budget dapat maging bukas sa publiko – CODE NGO

Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang...

NHA lulutasin ang mga isyu sa pabahay sa Bulacan

Alinsunod sa direktiba ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai na agarang tugunan ang mga hinaing ng mga benepisyaryo ng pabahay sa Bulacan, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang pagbisita’t pag-inspeksyon sa mga resettlement sites sa probinsya kamakailan lang.

Ang kautusan ay bunga ng hangarin ni NHA GM Tai na siguraduhing magkaroon ng magandang pamumuhay at asensadong komunidad ang libo-libong pamilyang benepisyaryo ng ahensya.

Isa rin itong daan upang malaman ang katayuan ng mga proyektong pabahay at higit sa lahat, ang kalagayan ng mga pamilyang nakatira dito nang sa ganun ay mabigyan ng agarang aksyon ang mga isyung nangangailangan ng kasagutan.

Isa-isang inikutan ni NHA AGM Feliciano, kasama si Bulacan District Manager Fatima dela Cruz na kumatawan kay Regional Manager Minerva Y. Calantuan, ang mga proyektong pabahay ng NHA sa Pandi, Bulacan na Logia ng Kakarong Resettlement Project, na nasa Brgy. Real De Cacarong; Bulacan-Angat Heights 2 Resettlement Project, Brgy. Cacarong Matanda; Villa Lois AFP/PNP Housing Project, Brgy. Siling Bata; Pandi Heights BJMP/BFP, Brgy. Cacarong Matanda; Padre Pio Resettlement Project, Brgy. Cacarong Bata; Pandi Residences 1, 2 at 3 Resettlement Projects, Brgy. Bagong Barrio at Brgy. Mapulang Lupa; Villa Elise Resettlement Project, Brgy. Masuso; Pandi Village 1 at 2 Resettlement Projects sa Brgy. Siling Bata at Brgy. Mapulang Lupa; Pandi Encamp One, Brgy. Mapulang Lupa; at Pandi Village 2 (Expansion Area) Resettlement Project, Brgy. Mapulang Lupa.

Bago ito, nauna nang bisitahin ni NHA AGM noong nakaraan ang 10 resettlement sites sa Lungsod ng San Jose del Monte. Kinabibilangan ito ng Pleasant View Residences, Graceville Garden Village, Heroes Ville 1, Heroes Ville 3, Towerville Phase 6, Pabahay 2000, San Jose del Monte Heights, St. Joseph Ville, Towerville Phase 1-5 & Rising City at Sapang Palay.

Sa gabay ni NHA GM Tai, ang Office of the AGM katuwang ang Bulacan District Office ay kasalukuyang inaaksyonan na ang mga isyu ng tubig, kuryente, pagkansela ng award at amortisasyon ng mga benepisyaryo sa nasabing mga lugar.#

Latest

China-PH partnership to Pioneer Herbal Aesthetic and Wellness Innovation

SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao...

Filipino-Chinese Community nag-ambag ng ₱10 Milyon para sa mga biktima ng bagyo

Nagpakita ng mabilis at matibay na pagkakaisa ang Federation...

2025 National Budget dapat maging bukas sa publiko – CODE NGO

Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang...

PNP, Civic Groups Unite to Bring Relief to Typhoon-Hit Luzon Provinces

Over 7,500 affected families in Northern and Central Luzon...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Mapanganib at palyadong patakaran sa WPS ni PBBM

Habang inihahanda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang...
spot_imgspot_img

China-PH partnership to Pioneer Herbal Aesthetic and Wellness Innovation

SKNN by Ben Cao Philippines Partner with Ben Cao Xiu Fu Kunming In a historic step toward advancing global standards in herbal aesthetic and wellness...

Filipino-Chinese Community nag-ambag ng ₱10 Milyon para sa mga biktima ng bagyo

Nagpakita ng mabilis at matibay na pagkakaisa ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) kasama ang iba pang civic...

2025 National Budget dapat maging bukas sa publiko – CODE NGO

Nanawagan ang Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang pinakamalaking samahan ng mga non-government organizations (NGOs), people’s organizations (POs), at kooperatiba sa bansa, sa...