NAGSANIB puwersa ang Baygon at Gilas Pilipinas para turuan ang publiko sa pag-iwas sa dengue sa panahon ng laganap ang lamok sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na ‘Pull Up Your Socks’ education and awareness campaign o ang paghila ng medyas para protektahan ang ibabang binti, pag-alis ng stagnant water, pag-spray sa mga lugar na may mataas na peligro ng lamok, at paggamit ng mga repellents.
Ang Baygon bilang nangungunang insecticide brand sa Pilipinas at ang Gilas Pilipinas na Philippine Men’s Basketball Team ay pinatibay ang pangako at kasaysayan ng dedikasyon sa lokal na komunidad sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas – ang basketball federation sa Pilipinas.
Magkatuwang na nagbabahagi ng mahahalagang impormasyon sa pag-iwas sa dengue na makakatulong sa mga Pilipino na protektahan ang kanilang sarili at ang kanilang mga mahal sa buhay laban sa Aedes aegypti, isang uri ng lamok na maaaring magkalat ng dengue fever, chikungunya, Zika fever, Mayaro at yellow fever virus, at iba pang uri ng sakit mula sa kagat ng lamok.
Ayon kay Al S. Panlilio, Pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, “We are pleased to announce a partnership with a brand that shares our longstanding history and commitment to doing what’s best for the Filipino community. Partnerships like this are important for the team as it gives us an opportunity to give back to the community in a meaningful way beyond the courts.”
Kasama rin sa kampanyang ‘Pull Up Your Socks’ na isinagawa sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City nitong July 3 at 4, 2024 ang mga social media influencer at ambassador ng Baygon upang hikayatin ang mga Pilipino na ibahagi ang kahalagahan ng pag-iwas sa dengue gamit ang hashtag na #PullUpYourSocks. Libreng big screen viewing din ang ipinagkaloob bilang simbolo ng pagsuporta ng Baygon sa Gilas Pilipinas.#