China Coast Guard at Philippine Coast Guard, magkasamang tumulong sa lumubog na bangka sanhi ng pagsabog ng makina
Isang barko ng China Coast Guard (CCG) 3105 na nagpapatrol ang naglunsad ng rescue operation at tumulong sa pagsagip sa isang bangkang pangisda ng mga Pilipino na nasa gipit na kalagayan sa gitna ng karagatan malapit sa Huangyan Dao ng China, na kilala rin bilang Huangyan Island, sa South China Sea noong Sabado, Hunyo 29.
Batay sa ulat ng Global Times mula sa kanilang eksklusibong panayam sa CCG, ang aksidente ay naiulat na sanhi ng pagsabog ng makina, na nagresulta sa pagkawala ng kuryente ng bangka at naging sanhi ng paglubog nito. Mabilis na nagpakawala ng maliliit na bangka ang CCG at naghagis ng mga lifebuoy at life jacket sa mga taong nahulog sa tubig. Dalawang taong nasugatan at nasa kritikal na kondisyon.
Matapos ang insidente, ang panig ng Pilipinas ay nagpahayag ng pasasalamat para sa makataong pagliligtas ng China Coast Guard sa mga Pilipino nasa bingit ng kamatayan sa gitna ng karagatan.
Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Rear Admiral Armand Balilo na una silang hinarang subalit kalaunan ay pinadaan din ng CCG ang kanilang multi-role response vessel (MRRV-4407 ) matapos sabihin ang ang sitwasyon tungkol sa pagsabog ng makina ng bangka malapit sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).
Naglunsad din ang CCG ng dalawang rigid hull inflatable boats (RHIBs) at nag-alok na tumulong sa pagliligtas sa walong mangingisda, dagdag ng opisyal ng PCG.
Taliwas naman ito sa sinabi ni Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng ahensya para sa West Philippine Sea, na ang CCG ay nagtalaga ng mga RHIB “hindi para tulungan ang PCG, ngunit para hadlangan at harangan ang kanilang pagsisikap na iligtas ang dalawang nasugatang mangingisdang Pilipino. Sa kabila ng pakikialam ng Chinese Coast Guard, ang PCG, sa malapit na koordinasyon sa mga mangingisdang Pilipino, ay nagawang malampasan ang mga RHIB at matagumpay na ilipat ang mga nasugatan na mangingisda para sa agarang pangunang lunas.
Matatandaan ang sinabi ng isang dating United States Marine Corps intelligence officer at United Nations Special Commission weapons inspector sa mga Pilipino na panahon na para itulak ang pamahalaan ng Pilipinas na magsimulang umupo at makipag-ugnayan ng responsable sa gobyerno ng China. Na kapitbahay at kaibigan ng Pilipinas ang China at hindi kaaway.
“It’s high time the Filipino people pressure their government to start sitting down and engaging the Chinese government responsibly. China is not your enemy. China is your neighbor. China is your friend. China doesn’t want war. And if you would engage China in diplomacy, and as we’ve all indicated here, America has long since lost the skill set necessary to carry out diplomacy. But the Filipinos, the Philippine people can reignite this, to relearn it, to use this skill to prevent a war. But if you continue to behave as colonial subjects, and I know that’s a sore, sore, sore subject of the Filipino, because you were the colonial subjects of America. We still view you as our colonial subjects. We don’t like you. We don’t care about you. We just want to use you. Grow up. Grow up and act responsibly. Take control of your own future. America is not here to help you. America is here only to use you until there’s nothing left. And then we will discard you on the trash heap of history.”-Scott Ritter #
ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5% in the latest 2025 Senate Survey of Tangere. Cong. Erwin Tulfo, achieved high voter preference...
In partnership with Conservation International, AquaViva launches its first project – whale shark conservation in Indonesia
SINGAPORE, 18 November 2024 – At the UN Climate...
AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates
Anti-deepfake technology has detection success rate over 99%
November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...