Feature Articles:

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

Mahigit 1,600 benepisyaryo ng Southville 3 nakiisa sa ika-walong People’s Caravan

Serbisyo publiko ang hatid ng National Housing Authority (NHA) sa mahigit 1,600 benepisyaryo ng Southville 3 sa pamamagitan ng ika-walong NHA People’s Caravan na ginanap kamakailan lang sa Biazon Covered Court, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Sa inisyatibo ni NHA General Manager Joeben A. Tai, layunin ng ahensya na mailapit ang NHA People’s Caravan sa mga resettlement site matulungan ang mga benepisyaryo ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan at pribadong sektor,

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, kasama sina NCR- South Sector Officer-in-Charge and Concurrent Corporate Planning Department (CPD) Manager Cromwell C. Teves, Muntinlupa/Taguig/Pateros/Makati City District Officer-in-Charge Lorelie P. Dooc, at Community Support Services Department Officer-in-Charge Donhill V. Alcain ang pagbubukas ng nasabing programa.

“Umiikot po ang National Housing Authority sa lahat ng resettlement sites sa buong Pilipinas upang ibaba at iparamdam ang serbisyo ng gobyerno sa tao… Lahat po ng ahensya ng gobyerno pinagsama-sama na po namin sa caravan na ito,” sabi ni AGM Feliciano.

Binigyang-diin din ni NCR-South Sector OIC at CPD Manager ang mas pinatibay na pakikipagtulungan ng Muntinlupa LGU at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang maipagkaloob ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga benepisyaryo ng Ahensiya.

“Kami po sa NHA ay nagagalak na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City at sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tungo sa iisang adhikain na mapaunlad ang mga komunidad,” ani Teves.

Kasama sa mga naipagkaloob na serbisyo sa caravan ay ang iba’t ibang programang pangkabuhayan, pagsasanay sa iba’t ibang larangan at pagnenegosyo, business and capital consultancy, akreditasyon ng HOA-SV3, at mga tulong-edukasyon mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Gender and Development (GAD) ng Muntinlupa, at Muntinlupa City Training Institute (MCTI).

Napagkalooban din ang mga nasa aktibidad ng pagkakataon upang makapag-apply ng National ID at iba pang dokumento ukol sa civil registry sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA); birth registration at konsultasyon mula sa Local Civil Registry- Muntinlupa; membership registration at pagkakaloob ng Loyalty Card ng Pag-IBIG Fund; senior citizen at persons with disabilities membership registration ng Community Affairs and Development Office (CADO); at proseso ng police clearance mula sa Philippine National Police (PNP)- NCRPO.

Murang mga produktong farm-to-market naman ang ibinenta ng Department of Agriculture (DA) Kadiwa sa caravan, habang namahagi ng libreng 2,000 buto at punla.

Higit pa rito, tumanggap rin ng mga naghahanap ng trabaho at fresh graduates ang job fair ng caravan na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), kasama ang Muntinlupa City Public Employment Service Office (PESO) at PSA. Ang mga nasabing tanggapan ay nagsagawa rin Kasambahay at OFW registration para sa mga benepisyaryo.

Nagbigay ng libreng onsite internet at wi-fi ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa programa. Libreng konsultasyon pang legal at notary services naman ang dala ng Public Attorney’s Office (PAO). Ang Commission on Elections (COMELEC) ay hinanda ang kanilang tanggapan para sa information query.

Kaugnay nito, nagkaloob rin ng onsite business at Sikap Loan Application ang Muntinlupa City LGU sa pamamagitan ng Muntinlupa Entrepreneurship Financing Division (MEFD), fertilizer production training na itinuro ng Muntinlupa City Training Institute (MCTI), at pamamahagi ng campaign materials ukol sa gender equality at women empowerment mula sa Muntinlupa Gender and Development (GAD) Office.

Ginanap din ang isang medical mission sa NHA Southville 3 Satellite Office at Health Center. Ang mga tulong-medikal na ipinagkaloob sa nasabing aktibidad ay libreng konsultasyon-medikal, x-ray, Oplan Tuli, eye checkup, at libreng gamot na isinakatuparan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Health (DOH), Muntinlupa City Training Institute (MCTI), City Health Office (CHO) at CADO.

Nakatakdang umikot ang NHA People’s Caravan sa susunod na buwan sa probinsya ng Cebu para mapaglingkuran ang mga NHA resettlement site.#

Latest

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...

USPTO recognizes IPOPHL’s growing influence in Asia Pacific

The United States Patent and Trademark Office (USPTO) has...
spot_imgspot_img

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a spotlight on the country’s increased enforcement against counterfeit goods and its strategic collaborative work to...