Feature Articles:

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Treaty of Westphalia ehemplo ng kapayapaan, ayon sa KDP, Mga negosyanteng Tsinoy, nanawagan ng diplomasya

Nagkakaisang sinuportahan ng 33 kasapi ng Filipino Chinese chambers of commerce at mga samahang sibiko si Pangulong Ferdinand “BongBong” R. Marcos Jr. sa kanyang panawagan para sa diplomasya sa lumalawak na nangyayaring alitan sa West Philippine Sea sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas.

Kasabay nito ang panawagan ng mga negosyanteng Tsinoy sa mga pamahalaan ng Pilipinas at China na isaalang-alang ang mga landas na mangangalaga sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng parehong mga bansa at mga mamamayan nito. Anila tanging mapayapang paglutas, pagpili ng taimtim na pag-uusap, at manalangin para sa pagpapababa ng tensyon sa pagitan ng ating dalawang bansa.

“Sa halip na alitan, piliin natin ang pagkakaisa. Sa halip na salungatan, piliin natin ang katatagan. Sa magulong panahong ito, kasama ang tumataas na tensyon sa ibang bahagi ng mundo, huwag nating ipagsapalaran ang pagkakaisa na namamayani sa ating rehiyong Asya sa daan-daang taon.” Kasabay ng mensaheng ito ang pakiusap ng mga negosyanteng tsinoy sa dalawang bansa na iwasan ang mga aksyon o deklarasyon na magpapasigla lamang sa dati nang mapanganib na sitwasyon.

Sa kanilang nilagdaang ‘public statement’, pinapahalagahan umano nila ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang bansa na tumagal na ng henerasyon hindi lamang sa pamamagitan ng mga kultural na pagkakaugnay, ugnayan ng pamilya, at malaking pakikipagsosyo sa ekonomiya.

Sinariwa rin nila na magkasamang tiniis ang mga pagsubok ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nanatiling magkapanalig sa maraming paraan, isang bagay na nagbigay ng sari-saring kapanginabangan ng paggalang sa isa’t isa.

Anila, ang pagtatatag ng isang neutral at diplomatikong lugar para sa talakayan na magtataguyod ng “MUTUAL RESPECT” para sa isa’t isa ay nagpoprotekta sa kasarinlan ng dalawang bansa at pinapanatili nito ang maayos na ugnayan sa buong rehiyon ng Asya.

Sa hiwalay na panayam kay Carlos Valdes III, Pangulo ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino, aniya, “tulad ng digmaang tumagal ng 3 dekada sa Gitnang Europa sa pagitan ng taong 1618 at 1648, dito tinukoy ang mga prinsipyo ng kasarinlan at pagkakapantay-pantay at naging saligan ito ng sistema ng bagong mga estado sa Europa.

Paliwanag ni Valdes, “dalawang pangunahing prinsipyo mayroon ang Treaty of Westphalia: una, ang kapayapaan sa pagitan ng mga soberanong bansa ay ituring bilang pansariling interes na lubos na mapaunlad ang iba, at gayundin ang iba na mapaunlad ang kapwa nya mga bansa sa mundo na masasabing isang tunay na “pamilya ng mga bansa.”

“Ikalawang prinsipyo ng Treaty of Westphalia ay sa halip, balikan o gumanti mula sa mga nagawang mga insulto, marahas na gawa, labanan, pinsala, at pananakit ay dapat na ganap na isantabi, upang ang lahat, anuman ang maaaring hilingin ng isa sa iba sa ilalim ng kanyang pangalan, ay tuluyang kalimutan at harapin ang bagong pagsisimula ng pasulong para sa kinabukasan.”

“Ang mga prinsipyong isinasaad ng Treaty of Westphalia ay matibay na batayan mula sa kasaysayan na nagawa noon kaya puwede nating gawin ngayon- ang magkasundo para sa kapakinabangan ng lahat. Sa halip na dalhin tayo ng pagkakampi-kampihan natin sa giyera, pagkaisahan natin ang pagpunta sa pagpapaunlad ng mga bansa na ang sasakyan natin ay ang BRICS. Pagkakataon na ito ng ating Pangulong Bongbong Marcos, na sumali para magkaroon ng pagkakataon ang ating bansa na umahon sa kahirapang kinasasadlakan ngayon ng ating mga mamamayan,” pagtatapos ni Valdes.#

Latest

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....
spot_imgspot_img

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health and wellness, recently conducted its second health symposium held at the SMX Convention Center in...

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...