Nanawagan ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC na pinangungunahan ni Rj Javellana kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na bigyan kalutasan ang kahirapang nararaanasan ng maraming Pilipino dahil sa mataas na presyo ng bigas, bilihin, kuryente at tubig.
Ayon kay Javellana, ngayong araw ng Kalayaan ay pangitiin naman ng Pangulo ang sambayanang Pilipino. Palayain mula sa kagutuman.
Kasabay na rin ng panawagan ng grupo ay ang pagdisarmamento ng armas nukleyar sa ating bansa at pag-iwas sa sigalutan ng mga bansang Amerika, China, Russia at Ukraine na magdadala lang ng kamatayan sa mga Pilipino.
Dapat ipatupad umano ng Pangulo ang Saligang Batas ng Pilipinas na dapat pairalin ang “independent foreign policy” at pagtalikod sa anumang uri ng pakikipagdigmaan.
Mariing sinabi ni Javellana na ang kailangan ng Pilipino ay ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng agrikultura at ang pag-alis ng oil deregulation law, EPIRA at privatization na nagpapamahal ng pangunahing pangangailangan ng tao.#