NANAWAGAN ang ang PANGISDA Pilipinas sa pamumuno ni Pablo Rosales na itigil ang military exercises sa katubigan ng Pilipinas.
“Ang EDCA ay simbolo ng pakikialyado ng ating bansa sa Amerika. Yan ang dahilan kung bakit kaming mga mangingisda ang tinatamaan ng China sa karagatan. Itigil ang militarisasyon ng Kano at mga bansang kaalyado nito at ang Pangulo dapat unahin ang ikabubuhay ng mga Pilipino,” mariing sinabi ni Rosales sa ginanap na rally noong paggunita ng Araw ng Mangingisda.
“Dati-rati naman kami nakakapangisda ng malaya hanggang noong panahon ni Pangulong Duterte, nagkakasaabay-sabay man kami mangisda, kawayan lang walang pambobomba ng tubig…ngayon lang sa panahon ni Pangulong Bongbong Marcos. Dahil nga nandyan ang mga barkong pandigma ng Kano,” paglilitanya ni Rosales.
Samantala, tahasang sinabi ni Itos Valdes ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), na ang pagtulong na gagawin ng ni Pangulong Bongbong Marcos kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ay hudyat ng pag-sang-ayon sa kampanya nito sa buong mundo na pakikipag-digmaan laban sa Russia.
Dagdag pa ni Valdes, kapag kinalaban mo ang Russia, kalaban mo na rin ang China, bagay na syang magpapalaki ng hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at China.
“Ang tunay na giyera ng bansang ito ay hindi ang isyu ng West Philippine Sea o ng Ukraine… ang tunay na giyera ay ang kahirapan ng mga Pilipino na dapat inahin at bigyang prioridad ng Pangulo ng Pilipinas. We should be a friend to all, enemy of none, tulad nang sinabi ni BBM nang tumakbo sya ng Pangulo ng bansang ito,” pagtatapos ni Valdes.#