Feature Articles:

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...

Sarcoma Cancer: kumplikadong sakit at hamon ng pagsusuri

Ang sarcoma cancer ay isang bihirang at kumplikadong sakit...

Serbisyong pabahay inilapit ng NHA at Unang Ginang sa Subic

Inilapit ng National Housing Authority (NHA) ang serbisyong pabahay ng pamahalaan sa mga taga-Subic sa pamamagitan ng LAB FOR ALL Caravan ni Unang Ginang Marie Louise Araneta-Marcos na ginanap kamakailan lang sa Subic Bay Exhibition and Convention Center.

Para sa mas progresibo at maunlad na pamahalaan, ang pangunahing layunin ng nasabing caravan ay ang pagkakaloob ng tulong-pangkalusugan sa buong bansa sa pamamagitan ng libreng konsultasyong medikal, pagsasagawa ng mga simpleng laboratoryo at diagnostic services, family planning, at pamamahagi ng mga libreng gamot alinsunod na rin sa RA 11223 o ang Universal Healthcare Act.

Bilang pakikiisa sa layunin ng Unang Ginang at pagsasakatuparan ng mga adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa isang Bagong Pilipinas, patuloy ang NHA sa paglahok sa nasabing aktibidad sa pamamagitan ng isang information booth na naglalayong sagutin ang mga katanungan ukol sa mga programa ng Ahensiya at ng iba pang tulong-pabahay na maaaring ipagkaloob sa mga benepisyaryo.

Bukod sa information booth, namahagi rin ang Ahensya ng Php 720,000 na ayuda sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) — isang programang pabahay na nagbibigay ng tulong-pinansyal para sa mga biktima ng kalamidad.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan ni Region III Manager Minerva Y. Calantuan ang pamamahagi ng nasabing ayuda sa 130 pamilyang labis na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa munisipalidad.

Samantala, mayroon ding libreng serbisyong ligal, tulong-edukasyon, at pagsasanay para sa iba’t ibang kaalaman sa nasabing caravan.

Para sa taong 2024, nakarating na ang caravan sa mga lalawigan ng Quezon, La Union, at Zamboanga na kung saan kasama sa mga nakilahok dito ang NHA.#

Latest

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben...

Pagdiriwang sa Siglo ng Asya: Nagniningning ang Pilipinas sa 2025 Asian Winter Games

Patuloy na tinatamasa ng Asya ang panahon ng kapayapaan...

Sarcoma Cancer: kumplikadong sakit at hamon ng pagsusuri

Ang sarcoma cancer ay isang bihirang at kumplikadong sakit...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Komprehensibong Healthcare Insurance para sa mga frontliners isinusulong ng United Frontliners Partylist

Nangako si Retiradong P/Lt. Gen. Rhodel “GenROS” O. Sermonia,...
spot_imgspot_img

NHA Ipinagdiriwang ang Ika-50 Anibersaryo, Naghahanda para sa Bagong Charter at Pinalawak na Serbisyo

Inanunsyo ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai na ipagdiriwang ng ahensya ang kanilang ika-50 Charter Anniversary sa Hulyo 31, 2025,...

Pagdiriwang sa Siglo ng Asya: Nagniningning ang Pilipinas sa 2025 Asian Winter Games

Patuloy na tinatamasa ng Asya ang panahon ng kapayapaan at kasaganahan sa unang bahagi ng ika-21 siglo—isang yugto na tinatawag ng marami bilang “Siglo...

Clark Water, Nagpapalago ng Sustainable Development sa Clark Freeport Zone sa Pamamagitan ng Strategic Infrastructure Investments

Malinis, maaasahang suplay ng tubig at episyenteng serbisyo sa wastewater ang pundasyon ng tagumpay ng anumang investment hub. Sa Clark Freeport Zone (CFZ) sa...