Feature Articles:

NHA magkaloob ng pabahay sa Mandaya IPs

Ipinagkaloob kamakailan lang ng National Housing Authority (NHA) ang housing units para sa limampu’t isang (51) pamilya mula sa katutubong pangkat o Indigenous Peoples (IPs) ng Mandaya sa isang turnover ceremony na ginanap sa Brgy. Pintatagan, Banaybanay, Davao Oriental.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NHA Region XI Manager Engr. Clemente A. Dayot, kasama si Banaybanay Mayor Lemuel Ian M. Larcia, ang paggawad ng mga pabahay sa Balai Nang Mandaya. Ang naturang proyekto ay ipinatutupad ng NHA sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP), at alinsunod sa Republic Act No. 8731 o ang Indigenous Peoples Right Act of 1997. Sa pakikipagtulungan ng National Commission for Indigenous Peoples at mga lokal na pamahalaan, ipinatutupad ng NHA ang HAPIP sa lupaing pagmamay-ari ng mga IP o mga nasasakupan ng lokal na pamahalaan na aprobado ng mga katutubong pangkat.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Banaybanay Vice Mayor Liezel S. Teves, 1st District Congressman Nelson “Boy” Dayanghirang, NHA District Manager Engr. Sonia J. Bulseco, Mandaya Tribal Chieftain Leonilo Pacay, Sr., at Brgy. Pintatagan IP Representative Alfonso Bungarotan.

Sa isang kaugnay na kuwento, nagsagawa rin ang NHA Region XI ng isang tree planting activity noong Marso 25, 2024 sa Balai Kalipay, Brgy. Luban, Mati City, Davao Oriental, isang proyektong pabahay para sa IP. Ang mga naturang benepisyaryo, kasama ang mga kawani ng NHA, ay nagtanim ng mga buto ng mangosteen at rambutan mula sa Department of Agriculture-Regional Field Office (DA-RFO) XI.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Livelihood and Affordability Enhancement Program (LAEP) ng NHA na naglalayong tiyakin ang sapat na kabuhayan para sa mga benepisyaryo sa bawat proyektong pabahay ng ahensya. Higit pa rito, nakatanggap rin ang mga benepisyaryo ng mga buto ng iba’t ibang uri ng gulay.#

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...