Feature Articles:

NHA nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad para sa Women Empowerment sa Kagawaran

Nagsagawa ang National Housing Authority, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD), ng iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Women’s Month na may temang, “WE for gender equality and inclusive society-Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan.”

Ibinahagi ni NHA General Manager Joeben A. Tai na ang mga babaeng manggagawa sa larangan ng housing construction ay may malaking papel sa mga pabahay na ibinibigay para sa mga pamilyang Pilipino.

Ayon kay GAD Champion NHA GM Tai, “to all our female managers and employees, I, along with our AGM [Assistant General Manager], salute every one of you. You are the true “Ilaw ng Tahanan” of the NHA, and your dedicated service is a testament to the immense capacity and contribution of empowered women to development. Your leadership, creativity, and compassion inspire us every day.”

Inilunsad ng NHA GAD ang isang photo exhibit ukol sa, “Istorya ng Kagalingan at Kakayahan ng Aming mga Juanas,” para ibahagi ang mga nagbibigay-inspirasyon na mga kwento ng iba’t ibang kababaihan o NHA Juanas na nagpamalas ng husay sa ahensiya sa kanilang pagsulong sa pagkakapantay-pantay sa sektor ng pabahay bilang kanilang espesyalisasyon. Ang exhibit ay mananatiling bukas sa buong buwan ng Abril 2024 sa NHA Main Office Lobby, Quezon City.

Bilang tanda ng lakas ng kababaihan, nakilahok ang NHA Juanas sa Women’s Month Advocacy Walk mula sa lobby ng opisina hanggang Quezon Memorial Circle, Quezon City noong March 21-22, 2024

Kasama sa advocacy walk ang mga GAD representative at supporter mula Lung Center of the Philippines (LCP), Philippine Coconut Authority (PCA), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Agriculture (DA) para magbigay suporta sa selebrasyon.

Habang ang ilang tanggapan ng NHA ay nagsagawa ng mga seminar na tumatalakay sa Cervical Cancer Awareness, pagkakapantay-pantay sa kasarian, empowerment, karapatan ng mga kababaihan, at solo parenting. Nakiisa rin ang ibang tanggapan ng NHA sa mga fun-run at mga kaugnay na aktibidad.

Bilang pagpapatunay sa mga gawaing gender mainstreaming ng Ahensya, kinilala ng Philippine Commission on Women (PCW) ang NHA at pinarangalan ito ng GADtimpala Silver awardee for Exemplary GAD Focal Point System noong Agosto 14, 2023.#

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...