Feature Articles:

NHA namahagi ng P10.7M tulong pinansyal sa mga pamilyang nasunugan

Matagumpay na namahagi ang National Housing Authority (NHA) ng P10,710,000 tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa 703 pamilya mula sa mga barangay ng Muntinlupa, Quezon City, Palawan at Tawi-tawi sa ginanap na sabay-sabay na distribusyon ng EHAP mula ika-6 hanggang ika-7 ng Marso, 2024.

P10,000 ang tinanggap ng 200 pamilya mula sa Muntinlupa bilang tulong pinansyal sa pagtatayo ng kanilang mga nasirang tahanan. Ang mga benepisyaryong nasunugan noong 2021-2022 ay mula sa Acero Compound, West Service Road; No. 23 Interior Purok 1; at Aquino Damaso Compound/RRSNA/PNR Site Purok 2.

Ang distribusyon na ginanap sa Barangay Cupang Covered Court, Muntinlupa City ay pinangunahan ni NHA NCR-South Sector Officer-in-Charge (OIC) Cromwell C. Teves bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben A. Tai, at dinaluhan nina Muntinlupa City Mayor Rufino Biazon at Muntinlupa City Vice-Mayor Artemio Simundac.

Samantala, 135 pamilya mula sa Barangay Tatalon, Quezon City ang nabigyan ng kabuuang P1,350,000 na tulong pinansyal sa isang programa na ginanap sa Villa Espana 2 Covered Court, San Isidro Kaliraya St., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Pinangunahan nina NHA Community Support Services Department Manager Lolita Mediavillo at NHA Quezon City District Office OIC Ar. Monn Alexander Ong ang distribusyon. Ang mga benepisyaryong nasunugan noong Pebrero 2023, ay binigyan ng P10,000 bawat isa upang mapagaan ang kanilang buhay at matulungan silang makabangon mula sa pangyayari.

Ang matagumpay na pamamahagi ng pondo ng EHAP ay naisagawa sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Quezon at Muntinlupa.

Bukod rito, namahagi rin ang NHA Region IX ng P20,000 sa 331 na pamilyang biktima ng sunog mula sa Tawi–tawi na nasa kabuuang P6,620,000. Habang P20,000 rin ang ipinamahagi ng NHA Region IV para sa 37 na pamilyang nasunugan sa Coron, Palawan, na tinatayang umabot sa P740,000.

Isinagawa ang mga ito sa magkasabay na aktibidad sa Deped Gymnasium, MBHTE Compound, Brgy. Poblacion, Bongao, Tawi-tawi at Tagumpay Barangay Hall, Coron, Palawan noong ika-7 ng Marso, 2024.

Ang ahensya, sa gabay ni NHA GM Tai, ay patuloy na nagpapalakas ng koordinasyon nito sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, pambansang ahensya, pati na rin sa pribadong sektor upang mabilis na maipatupad ang mandato nito at upang matiyak na ligtas at sapat ang pabahay para sa mga Pilipino sa ilalim ng kampanyang Bagong Pilipinas.#

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...