Feature Articles:

NHA namahagi ng P6.69M sa mga biktima ng sunog sa Maynila at Mandaluyong

Namahagi kamakailan lang ang National Housing Authority (NHA) ng P6.69 milyon na tulong pinansyal sa 380 pamilyang biktima ng sunog sa seremonyang ginanap sa Zone 2 Covered Court, Barangay 17, Tondo, Maynila at Molave Covered Court, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Ang magkasunod na distribusyon sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ay pinangunahan ng NHA National Capital Region-West Sector, sa gabay ni NHA General Manager Joeben Tai, para sa mga benepisyaryo mula sa Barangay 650, Port Area; Barangay 739, Zone 80, Malate; Barangay 732, Zone 80, Malate; Globo de Oro, Barangay 384, Quiapo; at Baseco Compound, na pawang nasa Maynila; at Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon kay Astra Arquisola, isa sa mga benepisyaryo mula sa Mandaluyong, ang tulong pinansyal na ibinigay ay gagamitin nila para sa pagbili ng mga materyales sa pagtatayo ng kanilang mga nasirang tahanan.

“Nagpapasalamat po ako na tinulungan kami ng NHA, makakatulong po ito sa pagbili ng mga materyales sa bahay dahil hanggang ngayon po ay hindi pa rin po nagagawa ang bahay namin [matapos ang sunog]. Nagpapasalamat po ako kay [NHA GM] Sir Joeben Tai sa pag-aasikaso sa amin at pagbibigay ng tulong sa amin,” wika ni Arquisola.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat sa programa si Hasna Saripada, isa sa mga benepisyaryo mula sa Barangay 650, Malate.

“Gusto ko lang po magpasalamat dahil may tulong na dumating [mula sa NHA]. Pandagdag po ito sa pagpapagawa ng aming bahay,” pahayag ni Saripada.

Bukod sa programa ng NHA na makapagbigay ng mas maayos na tahanan sa mga Pilipinong nasalanta ng kalamidad, nakatakda pang mamahagi ang ahensya ng tulong pinansyal mula sa EHAP sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa buong 2024.

Ang EHAP ay patuloy na ipinatutupad ng ahensya sa ilalim ng pamumuno ni NHA GM Tai alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tulungan ang mga pamilyang nawalan ng tahanan dulot ng mga kalamidad tulad ng sunog, lindol, bagyo, pagguho ng lupa, at baha.#

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...