Pormal na isinumite ni Labor Undersecretary for Labor Relations, Policy, and International Affairs Atty. Benedicto Ernesto R. Bitonio, Jr. (kaliwa) kay International Labour Organization (ILO) Deputy Director-General Celeste Drake (kanan) ang ILO Convention 190 (ILO C190) on Violence and Harassment in the Workplace ratification instrument ng Pilipinas sa ginanap na Deposit Ceremony of the Instrument of Ratification noong ika-20 ng Pebrero sa ILO Headquarters sa Geneva, Switzerland.
Ang ILO C190, ang unang pandaigdigang kasunduan na kumikilala sa karapatan ng bawat isa sa mundo ng paggawa na ligtas mula sa karahasan at panliligalig, ay niratipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 2023 at tumanggap ng pagsang-ayon ng Senado noong Disyembre ng parehong taon, matapos ang nagkakaisang suporta ng mga miyembro ng kamara.
Kasama ni Undersecretary Bitonio sa pagtitipon ang permanenteng kinatawan ng bansa sa United Nations at iba pang mga International Organization, at Geneva Ambassador Carlos D. Sorreta (nakaupo, pangatlo mula sa kaliwa) at National Wages and Productivity Commission Executive Director Ma. Criselda R. Sy (nakaupo, pangalawa mula sa kaliwa). (Mga larawan mula sa International Labor Organization)