Naglipana sa merkado ang mga herbal supplements dahil marami ang gustong manatiling malusog o gusto gumamit ng alternatibong paraan para mapabuti ang kanilang nararamdaman.
Madalang ako uminom ng synthetic drugs, yan ay kung talagang kailangang-kailangan para gumaling sa aking karamdaman. Malaking bahagi ng pagkakaroon ng mabuting kalusugan ay walang bisyo, hindi umiinom ng alak o naninigarilyo. Subalit sa ating pagtanda, natural nang may unti-unting nararamdaman, una dahil hindi na kasing aktibo tulad nang bata pa, dahil sa uri ng trabaho na laging nakaupo na lang at wala nang exercise.
Ang mga doktor ang karaniwan nang ibinibilin sa kanilang reseta bukod sa gamot ay “exercise and proper diet”, na madalas hindi nasusunod ng maraming tao.
Panahon ng CoVid Pandemic nang makilala ko ang Immune Advance. Nagsimula sa isang napanood sa social media tungkol sa pagtatanim ng lagundi ng mga sundalo, miyembro ng Lions Club, at mga kabataan sa Antipolo Rizal.
Hinanap ko ang namuno ng tree planting activity na si G. Patrick Roquel, na syang nakapanayam ng SMNI. May katagalan bago ako nasagot subalit kalaunan ay naging sulit naman ang aking paghihintay.
Sa totoo lang habang hinihintay ko ang sagot ni G. Patrick Roquel, talagang masigasig kong hinanap ang Binhi Biofarm at iba pang aktibidad na ginawa ni G. Roquel. Madalang at nasabi ko sa aking sarili na sayang naman kung hindi makikilala ang lagundi bilang alternatibong gamot na noong panahong iyon ay seryosong pinag-aaralan ng Department of Science and Technology para pantulong lunas sa epidemya ng CoViD-19.
To make long story short, nakapanayam ko at personal na nakilala si G. Patrick Roquel, isang Medical Technologist na nagtrabaho sa Unilab at ang kanyang magandang maybahay na si Dra. Elinor Tee Roquel, isang medical dodtor.
Una nyang ipinadala sa akin ang Immune Advance, na sa buong panahon ng pandemya ang tangi kong ininom ko na nakatulong sa akin at sa aking buong pamilya ko maging kapitbahay. Ang Immune Advance na nagtataglay ng lagundi, malunggay, Vitamin C at Zinc.
Epektibo
Bakit ako bilib sa Immune Advance? Napatunayan ko na nakabuti ito sa aking kasama sa bahay at pamangkin na may hika mula pa ipinanganak. Ayon sa kanila, gumiginhawa ang kanilang pakiramdam, lumuluwag ang kanilang paghinga at halos hindi na nila nararanasan ang atakihin ng hika dahil sa patuloy na pag-inom nito.
Pinagmulan ng lagundi seedlings
Ngunit may mas malalim pa akong dahilan kung bakit bilib ako sa Immune Advance. Dahil nakita ko ang mismong lugar kung saan itinatanim sa Natatas, Batangas ang mga lagundi na binili mismo ni G. Patrick Roquel kay Prof. Ernesta G. Quintana ng Department of Horticulture, University of the Philippines, Los Baños, Laguna.
Lupa at lugar ng taniman ng lagundi
Nalaman ko na ang lugar mismo ng taniman ng lagundi ay hindi pa nalagyan ng kahit na anumang pestisidyo at malayo sa usok ng sasakyan o anumang polusyon na maaaring makaapekto sa mga halamang gamot na nakatanim na pinangangasiwaan ni Mang Cesar Pecho at ilang magsasaka na nakatira din sa karatig na barangay sa Batangas.
Proseso ng pagpapatuyo at pagpupulbos ng lagundi
Saksi din ako sa Processing Plant upang mula sa bukid, dadalhin sa planta para linisin, at suriing muli ang mga dahon na ginagawang pulbos. Gamit ang siyentipikong teknik at gamit ng pagpapatuyo ng dahon, ito na rin ang ginagawa pulbos para mai-proseso muli upang gawin ang mga produktong Plemex, at iba pang herbal supplements.
Kinilala at awtorisado ang pasilidad at ang produkto
Ang katiyakan ng kalidad ng isang produkto ay kung ang pasilidad at bawat produktong nalikha ay kinilala at awtorisadong inumin dahil sa ito ay ligtas at hindi nakakasama sa ating kalusugan. Yan ang pinatunayan ng Biofarm and Natural Health Ingredients Co. at GH Nutripharma Inc. dahil mula sa License to Operate at Certificate of Product Registration mula sa FDA. Hiwalay pa ang mga Certificates mula sa SGS, PNRI para naman tiyakin na walang amag o anumang toxicity na dala ang pinulbos ang lagundi at iba pang halamang gamot.#