Home Local 𝐓impalak sa Tulang Senyas 2024

𝐓impalak sa Tulang Senyas 2024

0

Ang Timpalak sa Tulâng Senyas ay kauna-unahang timpalak na binuksan sa madla ng KWF sa pagtulâ sa pasenyas na paraan. Itinataguyod ito ng KWF na naglalayong palaganapin ang FSL bílang tunay na wika, pagsulong ng Filipino Deaf culture sa pamamagitan ng panitikan, kilalanin at bigyang-puwang ang di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang Deaf, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtulâ.

BukĂĄs ang timpalak sa lahat ng mga Pilipino na bingi o hard-of-hearing na matatas sa FSL, babae man o lalĂĄki, maliban sa mga kawani na ng KWF at kanilang mga kaanak.

Ang entring ipapása ay isang tuláng senyas na hindi bababa sa dalawampu’t apat na taludtod o linya at hindi lalagpas sa apatnapung taludtod o linya. Kinakailangang may pamagat ang ipapásang koleksiyon. Ang paksâ ng tulâ ay salig sa “Gampanin ng Panitikan sa Pagpapanatili ng Kapayapaan ng Bansa.”

Maaari ding ialinsunod ang paksâ ng kalipunan ng mga tulâ sa tema ng Buwan ng Panitikan 2024. Ang ipapåsang tulâ ay malayà (walang tugma at súkat).

Ang lahok ay kailangang orihinal at isesenyas gåmit ang Filipino Sign Language (FSL), hindi salin ng nalathala nang tulâ, at hindi pa nasesenyas at nalalathala sa alinmang platform. Ang sinumang mahúli at mapatunayang nagkasåla ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nitó sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

Ang pamantayan sa pagmamarka ay:

⦿ Kaangkupan sa Tema (Alignment with (signed) theme) Ugnay ang tulâ sa paksa ng timpalak. – 10%
⦿ Estruktura ng Tulâ at Idea (Structure of poem and ideas) Ang pagpapahayag ay malinaw, magkakaugnay, organisado, at nakapanghihikayat. – 10%
⦿ Orihinalidad (Originality) Ang tuláng senyas ay orihinal at hindi pa nasesenyas o nalalathala sa alinmang platform. Ang gumawa ng tuláng senyas at ang sumenyas sa lahok na video ay iisang tao lámang. – 25%
⦿ Pagkamalikhain at pampanitikang pagsenyas (Creativity, literary technique or devices, e.g. iconicity, visual rhyme, metaphor, etc.) Naipamamalas ang kakayahang ipahayag ang tulâ sa pamamagitan ng malikhaing pagsenyas ng mga kamay atbp. – 50%
⦿ Kahandaan ng Kalahok (Demeanor) Kakikitahan ang kalahok ng kahandaan, tiwala sa sarili, tamang tindig, at angkop na galaw ng katawan. – 5%

PĂĄra sa pagsusumite ng lahok, ilakip sa email ang sumusunod:

  • Isang (1) rekorded na video file ng bersiyon ng tulâ sa FSL at sa format na .mp4 o .mov. at i-save ito gamit ang format na: TulĂĄng Senyas_Apelyido_Pamagat;
    * Entri form;
  • Sertipikasyon o katibayan bĂ­lang Deaf na Pilipino;
  • BĂ­lang Deaf o Hard-of-Hearing, scanned copy ng PWD ID;
  • Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok;
  • Curriculum vitae at/o resume ng kalahok; atIsang 2×2 retrato ng kalahok.

IpadalĂĄ ang lahok sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph na may subject na: TulĂĄng Senyas_Apelyido_Pamagat.

Ang hulĂ­ng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 1 PEBRERO 2024, 5:00 nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.

MagpapadalĂĄ ang KWF ng mensahe (text o email) kung natanggap na ang lahok.

Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:

⌿ Unang gantimpala, PHP20,000 (net), plake, at medalya;
⌿ Ikalawang gantimpala, PHP15,000.00 (net) at plake; at
⌿ Ikatlong gantimpala, PHP10,000.00 (net) at plake.

Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.

Ang lahat ng mga natanggap na lahok ay hindi na ibabalik at angkin na ng KWF ang video, kasĂĄma ang unang opsiyon sa online publication ng video ng mga nagwaging lahok.

PĂĄra sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349, o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.#

NO COMMENTS

Exit mobile version