Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilΓ‘la sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitΓ³ ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibΓ‘ pang wikang panrehiyon o panlalawigan.
BukΓ‘s ang nominasyon sa mga institusyon at/o manunulatβlalΓ‘ki man o babaeβna nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Pilipinas. Ang mga ambag ay dapat na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
PΓ‘ra sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababΓ’ sa apatnapung (40) taΓ³n. PΓ‘ra sa mga samahΓ‘n, tanggΓ‘pan, ahensiyang pampamahalaΓ‘n, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababΓ’ sa limang (5) taΓ³n.
Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa panitikang Pilipino at mga katutubong wika ng Pilipinas (kinakailangang ilakip sa nominasyon bΓlang pruweba.)
Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mula sa labas ng KWF.
PΓ‘ra sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kompletong dokumento:
β’ KWF Pormularyo sa Nominasyon; https://docs.google.com/β¦/1gNnzYtTICNJpCFAaiP5vW3mβ¦/edit
β’ Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahΓ‘n at nilagdaan ng nagnomina;
β’ Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahΓ‘n); at
β’ Mga pruweba sa katipunan ng mga akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
Ilagay sa isa o higit pang long brown envelope ang mga tinukoy sa bΓlang 6 at ipadalΓ‘ sa adres na nΓ‘sa ibaba:
Lupon sa Gawad Dangal ng Panitikan 2024
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel 1005, Lungsod Maynila
Ang hulΓng araw ng pagpapΓ‘sa at pagtanggap ng nominasyon ay sa 2 PEBRERO 2024, 5:00 nh.
Ang tatanghaling Dangal ng Panitikan 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa iginagayak na programa ng KWF sa Araw ni Balagtas, 2 Abril 2024.
PΓ‘ra sa ibΓ‘ pang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349 o magpadalΓ‘ ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.#