Home Feature NHA nakiisa sa unang ‘LAB FOR ALL’ Caraaavan ngayong 2024

NHA nakiisa sa unang ‘LAB FOR ALL’ Caraaavan ngayong 2024

0
13

Sinimulan ng National Housing Authority (NHA) ang bagong taon sa pakikibahagi sa LAB FOR ALL Service Caravan para sa libo-libong benepisyaryo na ginanap sa Quezon Convention Center sa Lucena City noong ika-9 ng Enero 2024.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan nina Region IV Manager Roderick T. Ibañez at Quezon District Officer-in-Charge Romeo A. Mediavillo ang pakikibahagi sa naturang caravan upang ipakita ang aktibong suporta ng ahensya sa serbisyo publiko ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos.

Sa kanyang mensahe, binanggit ng Unang Ginang na ang LAB FOR ALL Caravan ay hango sa isa sa mga layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na ilapit sa bawat mamamayan ang serbisyo publiko.

“My husband said, ‘we should bring government services closer to the people and not the other way around’, so this is our way of making his promise come true,” ang pagbibigay-diin ng Unang Ginang.

Bilang bahagi ng caravan, nagtayo ang NHA ng isang booth upang matugunan ang iba’t ibang katanungan ng mga benepisyaryo ukol sa mga programang pabahay ng ahensya bilang suporta sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ng administrasyon.

Ang LAB FOR ALL Service Caravan ay naglalayong magbigay ng pangunahing tulong pangkalusugan sa mga benepisyaryo. Ngunit sa paglipas ng panahon, parami ng parami ang mga ahensya ng gobyerno at mga kumpanya mula sa pribadong sektor ang nagiging bahagi ng caravan upang mag-alok ng iba pang serbisyo sa lipunan.

Nakilahok ang iba pang ahensya sa caravan tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Commission on Higher Education (CHED), Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Food and Drug Administration (FDA), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Public Attorney’s Office (PAO), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nakiisa rin sa caravan ang mga kinatawan mula sa pribadong sektor, kabilang ang AstraZeneca, Huawei at mWell, Inner Wheel Club, Integrated Philippine Association of Optometrists (IPAO), Kent at Zeny Sy, Lifecore, Mylene Pineda Cayabyab, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Opthalmological Foundation of the Philippines (OFPHIL), at ang Romero Siblings.

Kabilang din sa mga dumalo sa naturang okasyon sina Quezon Vice Governor Anacleto Alcala III, Lucena Mayor Mark Don Victor B. Alcala, Batangas Governor Hermilando Mandanas, at iba pang mga opisyal ng lokal at pambansang pamahalaan.#

NO COMMENTS