IBINULGAR ng Hawai’i Peace and Justice kasama ang Solidarity to Oppose Wars ng 39 milyong gallon ng fuel mula sa ipinasarang military facility sa Pearl Harbor sa Hawaii at isasalin sa umano’y commercial storage facility sa Subic Bay.
Ayon kay Kim Compoc, edukador at organizer ng Women;s Voices, Women Speaks, na dapat umanong itigil ang kabaliwan na ito sa pamamagitan ng paghiling sa ating mga pamahalaan na gawin ang kalooban ng mga tao sa magkabilang panig ng Pasipiko, wakasan ang ekonomiyang ng digmaan at itayo ang berdeng ekonomiya batay sa tunay na seguridad.
“We must stop this madness by demanding our governments do the will of the people on both sides of the Pacific. We must end this war economy and build the green economy based on genuine security.”
Naaalarma rin ang grupo sa pagsasalin ng fuel sa Subic dahil sa maaaring pagdumi ng katubigan at paghahanda ng Amerika sa napipintong giyera sa Tsina.
Katibayan umano ang mga aktibidad na ginagawa ng Amerika sa sariling bansa tulad ng pagpapalawig ng militarisasyon gamit ang EDCA at hindi ito sitwasyon ng paglilipat lang ng naparaming fuel sa bansa dahil lang sa sibilyang paggamit, paliwanag ni John Lazaro.
“The militarization of US in Southeast Asian sea in broader context is expansion of military basing rights through EDCA, it’s the expansion and the intensification of military exercises, more warships, more troops, more weapons, more ammunitions, more training, all of it to prepare for some future war that this government said to be they do not want to fight but they are preparing to fight, right here, right now!”
Samantala, opisyal nang kinumpirma kahapon, ng Embahada ng Amerika at ng Department of National Defense, na nasa Subic Bay ang commercial tanker ng Yosemite Trader para maglipat ng milyon-milyong gallon ng fuel subalit nilinaw ng embahada na ito ay malinis na fuel mula Naval fuel storage sa Hawaii, lulan ng isang commercial tanker na siyang maghahatid sa Subic Bay.
“We can confirm that the Yosemite Trader, a commercial tanker, is currently in the vicinity of Subic Bay, Philippines in order to transfer clean fuel from the US military facility at Red Hill, Pearl Harbor, Hawaii, to a commercial storage facility at Subic Bay,” sa ibinahaging tugon ni US Embassy Spokesperson Kanishka Gangopadhyay.
Nilinaw ng Embahada na hindi bunker fuel o adulterated fuel ang ililipat ng America isa ito sa maraming pagpapadala ng ligtas, malinis na gasolina mula sa pasilidad ng Red Hill patungo sa ibang mga lokasyon sa Pasipiko. Ang lahat ng pagsasaayos para sa paglipat at pag-iimbak ng gasolinang ito ay ginawa sa pamamagitan ng tamang mga channel, gamit ang mga itinatag na kontrata ng logistik sa mga negosyo sa Pilipinas.
Ayon naman kay DND Spokesman Director Arsenio Andolong na ang pagpapadala ng gasolina mula sa Pearl Harbor, Hawaii, USA sa isang storage facility sa Subic Bay Freeport sa Pilipinas ay bahagi ng regular na komersyal na transaksyon sa pagitan ng US Government at mga kumpanya sa Pilipinas.
Magugunitang tumangging magbigay ng komento o sagot ang Armed Forces of the Philippine at maging ang DND hinggil sa isyu na ibinulgar ng ilang militanteng organisasyon kabilang na ang grupong nakabase sa Hawaii na siyang nanguna sa pagpapasara at pagpapaalis ng nakaimbak na fuel mula sa world war 2 facilities.
Humingi naman ng paliwanag si Senator Imee Marcos, chairman ng Senate Committee on Foreign Relation sa AFP, DND at maging sa US Embassy, hinggil sa napaulat na pagtatambak sa Pilipinas ng 39 million gallon ng military fuel ng US Navy mula sa Pearl Harbor.
Hinala ni Sen. Marcos Marcos, ang hindi maipaliwanag na katahimikan ng Pilipinas at ng Amerika bago pa ang takdang paglilipat ay lubhang kaduda-duda kaya iisipin na nagkakaroon na ng pre-positioning ng military supplies sa bansa sa gitna ng pinangangambahang pagkakaroon ng armadong tunggalian sa pagitan ng China at Amerika dahil sa isyu ng Taiwan.
“The Mutual Defense Treaty is not a license to leave the Filipino people in the dark,” ani Marcos. “Subic is not an EDCA site, so where in Philippine territory will millions of gallons of oil be stored?”
Ito ay makaraang hindi kaagad tumugon o naglabas ng pahayag ang DND, AFP at maging ang United States Embassy in Manila, hinggil sa kumalat na ulat na nakatakdang itambak ng United States Armed Forces ang 39 million gallon ng military fuel sa Subic.
Kasunod ito ng paglalantad ng ilang grupo kabilang ang Hawaii Peace & Justice na nakabase sa Hawaii, na siyang kinaroroonan ng kontrobersyal na 80 years old US Navy-run Red Hill Underground Storage Facility na nasa Honolulu, ang umano’y massive fuel transfer sa Pilipinas.
Base sa mga nakalap na datos mula sa ilang international shipping trackers, ikinarga ang oil cargo sa isang U.S.-registered tanker, Yosemite Trader, noong Disyembre 20.#