Feature Articles:

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang...

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at...

Pagbura ng pag-aabuso ng Hapong Militar sa Kasaysayan, Kinondena ng mga Kababaihan

MULING NANAWAGAN ang Flowers for Lolas para sa hustisya ng mga Filipinong “comfort women” at iba pang biktima ng panggagasa ng mga Hapong militar noong ikawalang digmaan sa bumisitang Japanese Prime Minister Fumio Kishida upang makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr at humarap sa joint session ng Kongreso.

Nag-aalala umano ang grupo dahil sa animo pagmamadali ng bansang Hapon ang pagpapatibay ng “mutual access” na kasunduan habang ganap na binabalewala ang mga pakiusap ng mga biktima at kanilang mga pamilya para sa isang opisyal na pampublikong paghingi ng tawad, reparasyon at paglagay ng kuwento ng “Filipino comfort women” sa aralin ng kasaysayan sa Japan.

Ayon kay Sharon Cabusao-Silva ng Lila Filipina, ang gobyerno ng Japan ay nagsimula, sa paglipas ng mga taon ng isang kampanya ng pagbabago sa kasaysayan, na naglalayong burahin ang alaala ng mga kalupitan nito sa panahon ng digmaan sa isipan ng publiko. Mas masahol pa, nagpapakita ito ng kasinungalingan sa tunay na papel ng Japan sa panahon ng digmaan sa mga kabataang Hapon, na ipinakita nito bilang isang “tagapagligtas” ng Asyano laban sa puting imperyalismo, gayong sa katotohanan nagtatago sa tunay nitong ekspansyon na ambisyon sa rehiyon.

Pareho kaming nagtatanong sa gobyerno ng Pilipinas tungkol sa patuloy nitong pagtanggi ng suporta sa legal at pampulitikang pag-aangkin ng mga kababaihang Pilipino na biktima ng karahasan sa sekswal na militar ng Hapon at pang-aalipin sa sekso sa kabila ng mga rekomendasyon para sa reparasyon, isang pondong pinahintulutan ng estado at isang alaala para parangalan ang pakikibaka ng kababaihan para sa hustisya na inilabas ng komite ng mga eksperto ng UN Convention on the Elimination of Discrimination Against Women ( CEDAW ) noong Marso 2023.

Paulit-ulit na tinatanong ang pamahalaan ng Pilipinas ngunit patuloy pa ring ang pagtanggi ng tulong legal at pulitikang paninindigan para sa biktima ng karahasang sekswal ng Hapong militar at pang-aalipin kahit may rekomendasyon para sa reparasyon, isang pondong pinahintulutan ng estado at isang alaala para parangalan ang pakikibaka ng kababaihan para sa hustisya na inilabas ng komite ng mga eksperto ng UN Convention on the Elimination of Discrimination Against Women ( CEDAW ) noong Marso 2023, paliwanag ni Atty. Virginia Suarez.

Batay sa tugon na isinumite sa CEDAW at hindi inilathala ang desisyon dito, nangangahulugan umano na ang gobyerno ng Pilipinas ay sumunod sa pagtanggi ng mga Hapones. Hindi man lang kakitaan ang pamahalaang Pilipinas ng pananagutan sa pagprotekta, pagtatanggol at pagsuporta sa paghahanap ng hustisya ng mga nakaligtas na ‘comfort women’ at ipinalalabas na may mga tulong nang ibinibigay ng ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD gayong ito ay talagang ipinagkakaloob na sa mga mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Teresita Ang Sy, na ang sekretong pagtatanggal ng mga estatwa sa Laguna at sa Maynila na sumisimbolo sa masama at karumal-dumal na ginawa ng mga Hapon ay isang patunay ng pag-ayon sa pagbura ng kasaysayan noong ikalawang digmaang pandaigdig. Isang pagtatraidor ng mga nanunungkulan hindi lamang sa mga biktima ng panggagahasa kundi sa lahat ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Sy, ituloy ng Commission on Human Rights ang pagtatatag ng Task Force, bigyang tulong ang mga biktima ng Hapong militar hindi bilang kabayaran kundi patunay ng pag-amin sa malawakang krimen at pagsira sa buhay at kinabukasan.

Sigaw ng Lila Filipina at Flowers for Lolas, itigil ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang pakikisangkot sa nilulutong digmaan ng bansang Amerika laban sa mga karatig bansa ng Pilipinas. Isulong ang kapayapaan at ipagtanggol ang mamamayan.#

Latest

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang...

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Korte Suprema: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, labag sa Konstitusyon

Idineklara ng Korte Suprema ngayong araw na labag sa...
spot_imgspot_img

Tutok Kainan Dietary Supplement Program: Laban sa malnutrisyon, suporta sa unang 1,000 araw ng bata

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang malnutrisyon, ipinatutupad ng National Nutrition Council (NNC) ang Tutok Kainan Dietary Supplementation Program (TK DSP)...

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura ang Rice Tarrification Law (RTL) dahil nagdulot umano ito ng malawakang paghihirap sa mga magsasaka...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at polisiya na nagdulot ng matinding krisis sa sektor ng agrikultura, partikular sa mga magsasaka ng...