Feature Articles:

Tamang pagtatapon ng electronic waste isinusulong ng DENR-EMB

NAGSANIB puwersa ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) at EcoWaste Coalition sa pagsisikap na maisulong ang ligtas at responsableng pagtatapon ng electronic waste at upang maiangat ang kamalayan kung ano ang epekto nito sa kalusugan at kalikasan.

“This campaign aims to tackle the detrimental effects of e-waste; enhance awareness regarding responsible e-waste management; and encourage individuals, businesses, and governments to take proactive measures in reducing e-waste and ensuring its proper disposal,” saad ni EMB Director at DENR Assistant Secretary Gilbert Gonzales.

Kaugnay nito, isang konsert ang magaganap sa ika-5 ng Nobyembre 2023 saa Marikina Sports Center na may temang “Together WEE Can!”, kapalit ng isang buong e-waste item na dadalhin ay isang concert ticket, hindi puwede ang pira-piraso o loose parts.

Maaaring ipalit ng publiko ang kanilang e-waste mula Oktubre 23 hanggang Nobyembre 5 sa mga itinalagang drop-off points kabilang na dito ang SM Malls, DMCI, PLDT/SMART offices/stores, Globe offices/store, Ayala Malls, Ateneo, UP Circuit, Department of Trade and Industry office, DENR Central Office, DENR-National Capital Region, Bagong Silang Treatment Storage Disposal Facility (TSD), Dampalit TSD Facility, San Jose del Monte City, Bulacan, Manila City, Marikina City, at Baguio City.

Ang e-waste ay maaari ding dalhin nang direkta sa paggaganapan ng concert sa Nobyembre 5.

Inaasahang ang mga sikat na performers tulad nina Kean Cipriano, Christian, 7th, Shortone and Kenaniah. Bukod sa live music mula sa mga artists, magkakaroon din ng interactive workshop at eco-friendly exhibits na layuning magbigay ng kaalaman at inspirasyon sa mga dadalo upang makabuo ng responsableng e-waste disposal sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Magsisilbi itong pagsasama-sama ng mga indibidwal na may pagpapahalaga sa kalikasan, young activists, community leaders, at mga organisasyon, bilang pagkilala at pagsuporta sa eco-friendly practices.

Base sa ulat ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), lumalabas na ang Pilipinas ay isa sa nangungunang e-waste generators sa Southeast Asia na may per capita ng e-waste generation na mahigit 4kg.

Ang dami ng e-waste ay patuloy na dumarami dahil na rin sa mataas na paggamit ng electrical at electronic equipment na may mababang product life cycles at limitadong repair options.

Bagama’t ang e-waste ay binubuo lamang ng dalawang porsiyento ng solid waste streams, nakapag-aambag naman ito ng nakabibiglang 70 percent hazardous waste sa landfills sa buong mundo na may nakapipinsalang kahihinatnan sa kapaligiran at public health.

Ang mga item na ito ay naglalaman ng mapanganib na sangkap tulad ng polybrominated diphenyl ethers, na ginagamit din bilang flame retardants na maaaring makaapekto sa kalikasan at kalusugan kaya’t kinakailangan ang tamang pagtatapon.

Ipinababatid sa publiko na ang DENR ay naglagay ng tatlong materials recovery facility (MRF) na maaaring pagtapunan ng electronic waste na matatagpuan sa Caloocan, Malabon at Baguio City. #

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

spot_imgspot_img

Mataas na presyo, mga pangunahing isyu sa katiwalian para sa mga partylist group, ACT-CIS nangunguna pa rin sa survey -Tangere

Batay sa resulta ng 'non-commissioned' survey ng Tangere, pangunahing isyu at alalahanin na dapat pagtuunan ng mga party list group ay ang pagbaba ng...

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...