Basura ng Japan, Huwag itapon sa Pilipinas! Stop! Stop! Stop! yan ang sigaw ng mga nagkilos protesta na MAKABAYAN sa harap ng Philippine Ports Authority at Department of Foreign Affairs upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagpapalabas ng nuclear waste sa Pacific Oceana mula sa Fukushima Nuclear Power Plant ng bansang Japan.
Ayon kay Nolan Tiongco, Spokesperon ng MAKABANSA bagaman sa bansang Japan lalabas ang nuclear waste water ng Fukushima Power Plant, malamang sa hindi na aabot umano sa Pilipinas ang aagos na tubig dito sa katubigan ng ating bansa. Aniya, ang Pacific Ocean ay karagatang ng mga karatig bansa tulad ng China, Hongkong at Korea. Ang radio active na meron sa nuclear waste ay makakasama sa likas yaman na magiging malaking epekto sa mangingisda ng bansa maging sa kalusugan ng Pilipino.
Bagaman, sinasabi ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na ang ilalabas na nuclear waster water ay isa nang treated water, nananatili umanong nangangamba ang grupo sa masamang epekto nito sa katawan na tao.
Samantala, sa ekslusibong panayam ng Tuklasin Natin kay Prof. Rey Donne Papa, sinabi nitong nanalig sya na bago ilabas ang nuclear waste ay dumaan ito sa masusing pag-aaral.
“Siguro the scientist in me would want to believe na pinag-aralan namang mabuti yung gagawin nilang disposal ng waste knowing naman how careful the Japanese are and their science is very mature already about these things. I’m sure tinitignan na po nila yan at ang pag-release naman po ng mga treated waste water nangyayari naman po talaga. I am sure may gagawin silang treatament dyan na naaangkop dun sa kung klaseng radio active waste man yan. And lahat naman po ng bansang gumagamit ng nuclear power I’m pretty sure they release regularly waste water by products from radio active materials nan age-generate or nagagamit during the production of nuclear power. Well, nakakatakot po talaga kapag iisipin mo na nuclear waste yan…radio active yan… ang effect nyan long term or naka-cause ng cancer or baka ibang diseases pa pero siguro naman in scientific level na ginagamit ng mga bansang gumagamit ng nuclear technology, hindi naman siguro ganun dapat tayo mabahala kasi meron namang science na nag-go-go into that, may check and balances naman. Mas magiging concern ako kung may aksidenteng nangyari like in Fukushima, nung nagka-earthquake, di po ba nasira ang reactor..yung power plant kaya nagkaroon ng problema. So, siguro yung takot ng mga tao ay dahil lang din sa experience nung earthquake nay un pero by this time naman siguro hindi naman sya aksidente and part of the routine process naman ito, so, I still opt to trust the science behind it more than matatakot ako. Kung lagi na lang tayong pangungunahan ng takot walang mangyayari,” paliwang ni UST Prof. Papa.
“Ang importante lang din, on the level of the Philippine government meron din naman tayong PNRI, yung monitoring. Magandang magtayo tayo ng manpower at technology natin to monitor the radio activity in the Philippines given na hindi tayo nuclear power users. So, kapag namo-monitor nila na tumataas ang level ng radiation o radio activity nakikita natin sa tubig, hangin at lupa ibig sabihin merong issue o may problema, ma-pi-pinpoint naman siguro kung saan ang source nun para makagawa rin tayo ng appropriate measures para mawalan ng opportunity na magkaroon ng long term exposure ng mga tao,” pagtataapos ni Prof. Papa.
Si Rey Donne S. Papa ay Propesor ng Biological Sciences sa Unibersidad ng Santo Tomas, Manila. Isang limnologist na nagtapos ng kanyang B.Sc., M.Sc. (cum Laude), at Ph.D. (cum Laude) degree sa Biology sa nabanggit na yunibersidad.
Isang dalubhasa sa freshwater zooplankton ecology at systematics, at naglathala ng higit sa 60 artikulo sa pambansa at internasyonal na peer-reviewed na mga journal, 2 kabanata ng libro, at nag-edit ng 2 libro at 1 textbook hanggang sa kasalukuyan.
Nagtuturo siya ng mga kursong Zoology at Ecology sa mga mag-aaral na makapagtapos at undergraduate at itinatag ang Zooplankton Ecology, Systematics and Limnology (ZESL) Research Group ng UST Research Center para sa Natural at Applied Sciences.
Nakatanggap siya ng mga gawad, parangal, at pagkilala para sa kanyang pananaliksik mula sa US National Academy of Science at USAID, German Academic Exchange Service (DAAD), International Society of Limnology, Unibersidad ng Santo Tomas, Commission on Higher Education, at ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng gobyerno ng Pilipinas at ilang mga propesyonal na organisasyon.
Sa kasalukuyan, humahawak siya ng mga posisyong administratibo sa Unibersidad ng Santo Tomas tulad ng Dean ng UST College of Science, Program Lead for Natural Sciences sa UST Graduate School, at Editor-in-Chief ng The Antoninus Journal. Siya rin ang Presidente ng Association of Systematic Biologists of the Philippines (2018-2020), Vice President ng Philippine Society for Freshwater Science (2018-2020), at National Representative ng Pilipinas sa International Society of Limnology.#
Definitely!