Ang Philippine Space Agency (PhilSA) ay nananawagan sa mga katuwang na media at sa publiko na tangkilin at gamitin ang open data source application na ODK Collect upang mag-ambag ng impormasyon mula sa lupa bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna. Ang nasabing aplikasyon ay ginagamit din para sa pagsubaybay sa kapaligiran.
Ang ODK Collect ay mada-download sa mga Android device nang libre. Ang data na na-upload sa app ay napupunta sa isang server na naa-access ng iba’t ibang ahensya kabilang ang High Performance Computing and Information Services Division (HPCISD) ng PhilSA. Ang impormasyong na-verify ng HPCISD ay ipinapadala sa Space Data Mobilization and Applications Division (SDMAD) para sa aksyon.
Ayon kay Engr. Roel de la Cruz, Supervising Science Research Specialist ng SDMAD, ang crowd-sourced information sa space data mobilization ay nagpapalaki sa pangangalap ng ulat na magagamit sa pagbibigay-priyoridad sa mga satellite tasking sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya, at gayundin sa pagtiyak ng ‘space-based mapping outputs’ at pagbutihin ang mga algorithm na ginamit.
Ipinaliwanag ni G. Mark Jayson Felix ng PhilSA ESSMSD ang halaga ng predictive models kasabay ng satellite images at ground data para sa pinahusay na disaster preparedness at strategic response: “Ang mga modelo ay nagbibigay-daan sa amin na gayahin nang maaga ang iba’t ibang mga sitwasyon ng sakuna, na maaaring makapaghanda at tumugon sa napapanahon at mahusay na paraan,” saad ni Engr. Felix.
“Ang Citizen Science ay agham para sa mga tao, ng mga tao, at ang agham ay binuo sa impormasyon at katotohanan. Sa pamamagitan nito, hinihikayat namin ang lahat na mag-ambag ng impormasyon, kung posible, sa pamamagitan ng magagamit na mga tool,” sabi ni G. Randy Beros, Computer Maintenance Technologist III ng HPCISD.
“Lahat ay maaaring gumawa ng agham, at ang kontribusyon ng bawat isa sa atin ay mahalaga sa pagbuo ng siyentipikong kaalaman na pakikinabangan ng lipunan,” sabi ni Engr. Dagdag ni Kristine Bantay, Senior Science Research Specialist ng SDMAD.
Upang i-download ang ODK Collect, maaari mong i-access ang link na ito: https://play.google.com/store/apps/details?id=org.odk.collect.android&hl=en&gl=US&pli=1
Pinaaalalahanan lamang ang mga publiko sa pagpapadala ng mga impormasyon o larawan gamit ang ODK Collect app na gamitin ito nang tapat at hindi ang layunin ay makapanloko. Paliwanag ni Engr. Randy Beros, na sa iba-ban registered account kung mapapatunayang peke o maling impormasyon ang ipinadala. Tiniyak nila na sa sandaling ang binatong larawaan o impormasyon ay totoong kaganapan o resulta ng anumang kalamidad o sakunang nangyari, makikita ito sa Space Data Dashboard.
Ang Space Data Dashboard ay binubuo ng mga datos ng traffic monitoring, air quality, water quality, night lights at land cover. Bisitahin ang https://mk2.philsa.gov.ph/spacedata/ para sa iba pang datos o impormasyong nais ninyong malaman.
Matatandaan na Setyembre 2022 nang inilunsad ang Pinas Network na kinapapalooban ng iba’t-iba’t kategorya: Pinas LGU’s, Pinas NGA’s, Pinas Academe, Pinas CSO’s, Pinas Enterprise at Pinas Citizen Science.
Ang PhilSA ay tumutulong sa pagbawas sa panganib ng kalamidad at mga pagsisikap sa pamamahala gamit ang mga asset ng kalawakan at data ng espasyo ng bansa ayon sa mandato ng RA 11363 o Philippine Space Act.
Bisitahin din ang website ng Philippine Space Agency: https://philsa.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon o update.#