MAGKAKASAMANG NANAWAGAN NG KATARUNGAN PARA SA MGA GINAHASANG PINAY at mga karumal-dumal na pagpatay ng mga Hapones noong ikalawang digmaan, ang Flowers4Lolas coalition advocates Teresita Ang See at Dennis Gorecho, abogado ng Malaya Lolas na si Atty. Virgie Suarez at Romel Bagares, Lila Pilipina Executive Director Sharon Silva.
Kailangan umanong kilalanin ng bansang Hapon ang mga nakatalang krimen sa kasaysayan at humingi ng tawag sa bansang Pilipinas.
Nakatakdang dalawin ang mga nakaligtas na biktima na Comfort Women na “Malaya Lolas” sa darating na Linggo, Marso 19 sa barrio Paniqui, Candaba, Pampanga. Isa lamang silang grupo ng mga biktima ng Filipina Comfort Women sa buong bansa.
Ayon kay Wilson Lee Flores, mamamayahag at moderator ng Pandesal Forum, “Ang gobyerno ng Japan ay dapat na opisyal na humingi ng tawad sa lahat ng mga bansa sa Asya hindi lamang para sa isyu ng Comfort Women, kundi pati na rin sa lahat ng kanilang mga krimen sa digmaan noong World War II at tularan ang mabuting halimbawa ng Alemanya pagkatapos ng digmaan na buong tapang at wastong tinubos ang lahat ng krimen nito sa digmaan.”
Ang United Nations’ Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW) ay nagpahayag ng desisyon nito noong Marso 8, bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan, na nagtataguyod sa paghahanap para sa hustisya, reparation, social support at pagkilala para sa mga biktima ng Comfort Women ng Pilipinas.
Sinabi ni Teresita Ang See na nakakahiya na ang Pilipinas dahil ito ang nag-iisang bansa kung saan ang gobyerno nito ay sumuko sa mga panggigipit ng Hapon sa pamamagitan ng pagtanggal ng rebulto ng Comfort Women na walang paalam na kinuha mula sa Roxas Boulevard, Manila noong 2017 at isa pang estatwa na tinanggal mula sa isang Korean Christian.
Habang ang mga memorial sa World War II Japanese military ay pinapayagan sa Pilipinas tulad ng Kamikaze soldier statue sa Pampanga at isa pang memorial sa Caliraya, Laguna.
Ayon kay See, mayroong 30 istasyon ng Comfort Women na pinatatakbo ng mga mananakop na militar ng Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na may 1,000 babae kaya tinatayang nasa 30,000 Filipina Comfort Women na biktima ang mga Hapon. Marami umano sa kanila ay ayaw lumabas dahil sa kahihiyan na idudulot nito sa pamilya at ilan lang sa kanila ang kamakailan lang lakas loob na lumabas noong 1990.
Mariing binanggit ni Sharon Silva ng Lila Plipina na ang apat ang hinihingi ng Filipina Comfort Women sa bansang Hapon. Una ay “opisyal at pormal na paghingi ng tawad mula sa gobyerno ng Japan, kung wala ito ay hindi magkakaroon ng hustisya”; Ikalawa, makasaysayang pagsasama sa Japan at Pilipinas ng kanilang mga karanasan, upang alalahanin ang kanilang mga kuwento; Pangatlo, opisyal na kompensasyon mula sa pamahalaan ng Hapon at hindi dapat pasanin ng mga pribadong mamamayang Hapones; ikaapat, itigil ang lahat ng digmaan at panghihimasok ng mga dayuhan tulad ng pagpasok ng mga tropang militar ng USA at Hapon o Australia sa Pilipinas.
Umapela din ang Comfort Women advocates para sa pagtataguyod ng soberanya ng Pilipinas at kapayapaan, sa pamamagitan ng pagtutol sa presensya ng mga dayuhang tropang militar sa bansa. Ang EDCA sa pagitan ng Estados Unidos at ang panukalang bagong Visiting Forces Agreement (VFA) sa Japan at gayundin ang Australia ay hindi mabuti para sa bansa. Aniya, “Nakakatakot, ang lumalagong alyansa ng militar ng Pilipinas sa Japan ay malamang na magpapahirap ngayon sa ating mga pagsisikap na makamit ang hustisya para sa mga biktima ng Comfort Women, kaya umaapela kami sa ating gobyerno ng Pilipinas at sa publiko para sa suporta.”
Nagpahayag ng matinding pagtutol si Virgie Suarez at iba pang kasama sa panukalang ito dahil hindi kapaki-pakinabang sa bansa at banta sa kapayapaan sa rehiyon. Sa apat na bagong base militar ng EDCA ng mga Amerikano at sa pinakamalaking “Balikatan” Philippines-USA joint military exercises ngayong taon ay magdulot ng mga karahasan sa sekswal laban sa kababaihan, magpapalala ng tensyon sa militar sa Asya at maaaring magdulot ng posibleng labanang militar o digmaan sa iba pang mga bansa.
“Nakakalungkot na ang gobyerno mismo ang pumapayag sa pagpasok ng mga tropang Hapones sa ating bansa sa pamamagitan ng VFA at ang gobyerno ay nagyayabang din na sa taong ito ay magkakaroon ng 17,000 sundalong Amerikano na sasali sa pinakamalaking joint military exercises dito.
Ang mga ‘lolas’ ng Comfort Women (mga lola) ay tumututol sa militarisasyon dahil naranasan na nila ang kakila-kilabot na bunga ng digmaan kaya’t pilit nilang itinataguyod at itinutulak ang kapayapaan.# (Cathy Cruz)