Feature Articles:

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....

Mga namumungang puno at sistema ng ‘agroforestry,’ tampok sa isang bukirin sa Cavite

Isang bukirin sa Magallanes, Cavite ang naging isang modelo sa paggawa at pangangasiwa ng ‘agroforestry farm’ sa tulong ng isang programa ng pamahalaan. Ang agroforestry ay isang pamamaraan ng pagsasaka kung saan isinasama ang mga iba’t ibang klase ng puno sa sakahan.

Ang Ramirez Upland Farmers’ Association, Incorporated (RAFAI), isang grupo ng mga magsasaka at magbubukid, ay nakipag-tulungan sa Agroforestry Support Program for Enhancing Resiliency of Community-Based Forest Management Areas (ASPIRE-CBFM) na mapaunlad ang kanilang sistema upang mapalakas ang kanilang produksiyon, makapagbigay ng karagdagang kabuhayan, at makatulong sa kalikasan.

Ayon sa mga mambubukid ng RAFAI, ang kanilang karaniwang tanim ay puno ng niyog, saging, at guyabano. Sa pagsisiyasat ng kanilang bukirin, ipinakilala sa kanila ang kalidad na pananim ng niyog, papaya, rambutan, at lanzones. Bilang tulong sa pagpaparami ng mga komunidad sa ilalim ng CBFM, ang Philippine Coconut Authority (PCA) Region IV-A at Bureau of Plant Industry (BPI) ay nagbahagi ng mga buto at binhi para sa programa. Kasama rin sa programa ang karagdagang kagamitan sa pagbububukid at makinarya para sa pagproseso ng mga produktong galing sa mga pananim.

Dahil dito, ang mga mambubukid ay nakapamitas na ng kanilang unang ani ng papaya noong simula ng taon. Dagdag pa rito ang patuloy na paglaki ng mga binhi ng niyog, rambutan, at lanzones.

Inaasahan na sa tulong ng mga punong-pananim na bahagi ng programa ay magdudulot ito ng mabuting epekto sa kalikasan at ekonomiya sa Cavite.#(Isinulat nila Engelbert R. Lalican, Eman Noel G. Cañada, Gerlie Joy N. Gutierrez; Isinalin sa Filipino ni Karl Vincent S. Mendez, DOST-PCAARRD S&T Services)

Latest

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty....

EdgePoint Philippines Secures Over 400 New Tenancies

Accelerates National Connectivity Initiatives in the Philippines  Milestone demonstrates the effectiveness...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

On Commemorating the First Kamikaze Flights in Mabalacat

“A grave insult to our nation and the victims...
spot_imgspot_img

PayPay and Alipay+ extend enhanced e-wallet payment options to over 3 million merchants across Japan with expanded partnership

SINGAPORE, 6 November 2024 – At the Singapore FinTech Festival 2024, PayPay, Japan's top QR payment operator, today announced an expanded partnership with Alipay+,...

BRICS kalutasan sa posibleng WW3, Pilipinas dapat nang umanib

Sa magkakasunod na pandaigdigang pulong na naganap nitong huling linggo ng Oktubre, maraming mga pagsusuring nagawa tungkol sa mga kaganapan sa mundo na nagpapahiwatig...

PAO Chief Persida Acosta patuloy na isusulong ang hustisya para sa masa

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Acosta ang matagal nang kasunduan o Memorandum of Agreement ang National Press Club at...