Pormal na humiling ang National Electrification Administration (NEA) sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng masusi at malalim na imbestigasyon sa mga posibleng kriminal na gawain at/o iba pang iregularidad sa transaksyong ginawa ng mga dating Miyembro ng Board of Directors and Management officials ng Benguet Electric Cooperative (BENECO).
Sa liham nito kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may petsang 21 Pebrero 2023, inanunsyo ng ahensya sa DOJ tungkol sa resulta ng motu proprio investigations na isinagawa nito dahil masamang natuklasan/obserbasyon sa financial at management audit na isinagawa sa BENECO.
Matatandaan na noong nakaraang Enero, naglabas ng desisyon ang NEA na tanggalin ang Board of Directors ng BENECO batay sa mga natuklasan ng matagal nang iregularidad sa pamamahala ng BENECO.
Sa parehong Desisyon, sinuspinde ng NEA BOA ang BENECO Assistant General Manager na si Engr. Melchor Licoben sa loob ng apatnapu’t limang (45) araw, kung saan siya ay administratibong mananagot para sa simpleng kapabayaan bilang unang pagkakasala.
“Although the above findings of NEA in the administrative cases were limited to the administrative liabilities of the respondents, the matters unearthed therein strongly suggest that there was criminal fraud (i.e., estafa and/or other deceits, among others) committed by said respondents that resulted to the damage of BENECO, especially its member-consumer-owners,” sabi ng NEA sa liham nito na nilagdaan ni Administrator Antonio Mariano Almeda.
Sinusubukang kunin ang panig ni Engr. Melchor Licoben habang sinusulat ang balitang ito. Maaaring makipag-ugnayan sa tuklasinnatin@yahoo.com para sa paglilinaw o karagdagang impormasyon para sa panig ni Engr. Licoben.# (Cathy Cruz)