Home Agriculture Shellfish ban umiiral pa rin sa baybayin ng Milagros, Masbate

Shellfish ban umiiral pa rin sa baybayin ng Milagros, Masbate

0
68

Sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 04 nitong ika-10 ng Febrero 2023 ay pinapaalalahanan ang publiko na ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakalap mula sa baybaying tubig ng Milagros sa Masbate; baybaying dagat ng Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa South Zamboanga; at Lianga Bay sa Surigao del Sur ay positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o Toxic Red Tide ay HINDI LIGTAS para sa pagkonsumo ng tao

Ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas para sa pagkain ng tao basta’t ang mga ito ay sariwa at hugasan ng maigi, at ang mga panloob na organo tulad ng hasang at bituka ay tinanggal bago lutuin.

NO COMMENTS