Naalarma ang grupo ng Lila Pilipina sa mga agresibong pagkilos ng bansang Japan sa paggasta dahil naglaan ito ng 51 Bilyong dolyar na pinakamalaki umanong budget na inilaan para gamitin sa produksyon ng missile at pagpapaunlad ng kanilang kakayahang depensa. Hiwalay pa ang pakikipag-alyansa nito sa Estados Unidos na kilalang numero unong nagsusulong ng digmaan sa buong mundo. Sa katunayan nito ang pagtatayo ng limang (5) base militar sa nabanggit na bansa upang magsagawa ng military exercises at iba pang kaugnayan sa pagsusulong ng digmaan.
Dahil dito, nanawagan ang Pinay Japanese survivors kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag makilahok sa mga pagkilos patungo sa digmaan gamit ang Pilipinas laban sa ibang bansa. Ayon kina Narcisa Claveria at Estelita Dy, magsilbing aral ang kanilang karanasan noong sinakop ng bansang Hapon ang bansang Pilipinas.
Ayon kay Teresita Ang Sy, “Nasa Konstitusyon natin na, our country renounces war as an intrument of national policy, kung tayo magpapasulsol sa malalaking bansa na nag-aaway – nagbabanggaan at tayo ang mga langgam na tinatapak-tapakan nila habang sila ay nagbabanggan at nagbabangayan… paulit-ulit na sinasabi ni Lola Estelita at Lola Narcisa – war is never an answer to any conflict… pag-usapan, diplomacies still the best weapon… a handshake is always better than a fist fight – yan ang paulit-ulit nating ibibigay, hindi makikipag-giyera ang Pilipinas! Hindi manggagaling sa Pilipinas kung hindi susulsulan ng ibang malalaking bansa na makipag-away tayo… tayo talaga ang magiging bala sa kanyon ng pakikipaglaban kaya mag-ingat tayo.”
Matatandaan na bago namatay ang batikang ekonomista at Katipunan ng Demokratikong Pilipino Chairman na si Butch Valdes, sinabi nito sa isang talumpati na, “Noon, gaya ngayon, ang sangkatauhan ay nasa isang sangang-daan. Ang isang landas ay humahantong sa digmaan, kawalan ng pag-asa at pagkawasak. Ang iba ay humahantong sa pag-asa, kaunlaran para sa mga susunod na henerasyon. Sa mga kapangyarihang ibinigay sa atin ng ating Lumikha, walang mga limitasyon sa paglago. Gaya ng itinuro sa atin ng kasaysayan, kung tayo ay inuudyukan ng kabutihang panlahat, at kumilos nang may kabutihan para sa kapakanan ng iba, matututo tayong gamitin ang ating mga ilog at karagatan, at maging ang kalawakan, hindi bilang mga hangganan ng teritoryo, kundi bilang mga pintuan o daanan ng komersyo, at pang-ekonomiya at siyentipikong aktibidad upang mapahusay ang kalidad ng buhay ng lahat ng tao sa planetang ito. Taos-puso kong pag-asa na tayong mga mamamayan ng daigdig, mga makabayan ng ating mga bansa, ay gamitin ang tiyak at makasaysayang sandali na ito upang gawin ang kislap na nag-aapoy sa diwa ng isang bagong mundong muling pagsilang.”
“Then, as now, mankind is at a crossroads. One path leads to war, despair and destruction. The other leads to hope, prosperity and development for coming generations. With the powers given to us by our Creator, there are no limits to growth. As history has taught us, if we are motivated by the common good, and act benevolently to the advantage of the other, we will learn to use our rivers and our oceans, and even outer space, not as territorial boundaries, but rather as corridors of commerce, and economic and scientific activity to enhance the quality of life of all human beings on this planet. It is my fervent hope that we citizens of the world, patriots of our countries, use this defining, historic moment to make the spark that ignites the pirit of a new world renaissance.”
Butch Valdes