Feature Articles:

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

PAG-AMYENDA NG METROLOGY ACT ISINUSULONG

NANAWAGAN ang iba’t ibang institusyon, organisasyon at ilang indibidwal na Pilipinong nasa industriya ng Metrology ay sumusuporta at nag-i-endorso na ipasa ang batas na nagpapabago sa National Measurement System (NMS) ng Pilipinas.

Ito ang House Bill No. 5617 na inakda ni Honorable Representative Carlito S. Marquez, na pinamagatang “An Act Modernizing the National Measurement System (NMS) of the Philippines, Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes”.

Layunin ng inihaing batas sa ika-19 na Kongreso na pagtugmain ang pambansang metrological na mga pamantayan sa internasyonal na pamantayan, pagsasaayos ng pagkilala sa isa’t isa, at istatistikang mga kontrol nanakikita sa ASEAN economic integration, World Trade Organization, at mga internasyonal na kasunduan at tipan, na nagreresulta sa pandaigdigang kumpitensya at kalidad mga produkto at serbisyo;

Matatandaan na ang Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 ay naglalayon na muling pasiglahin ang ekonomiya at pagpapabuti ng kapakanan ng bawat tao sa bansa. Sa ilalim ng Chapter 08 nito, Advance Research and Development, Technology and Innovation. Dahil dito, isinama ang pag-amyenda ng Republic Act No. 9236 o ang “National Metrology Act of 2003, and for Other Purposes” na nalagdaan noong ika-3 ng Pebrero 2004 upang maging “Strengthening of the National Measurement Infrastructure System (NMIS).

Sa kasalukuyan, mayroong limang (5) House Bill at isang (1) Senate bill ang inihain naghahangad na amyendahan o palitan ang umiiral na Metrology Act;

Sa ekslusibong pagdalo ng seminar-workshop nitong Enero 24-25 sa Splendido Hotel sa Tagaytay, napaagkaisahan na ang pagsasabatas ng panukalang ito ay para protektahan ang mga mamimili laban sa mga kahihinatnan ng mga maling sukat, pagbutihin ang pagiging mapagkumpitensya at kahusayan sa industriya, mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya, itaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, protektahan ang kapaligiran, magbigay ng isang espesyal na sentral na katawan upang pangasiwaan ng imprastraktura ng pagsukat sa bansa, i-coordinate ang mga proseso ng regulasyon na kinasasangkutan ng paggamit ng mga sukat at pagpapataas ng kalidad ng kaisipan, kasanayan at pagpapahalaga kahusayan upang matigil kundi man ay unti-unti maalis ang madalas na kaisipang Pilipino na “Pwede na”.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato U. Solidum, Jr., sa kanyang mensahe sa workshop sa “NATIONAL MEASUREMENT SYSTEM ACT OF 2023” Bill para sa Modernization ng National Measurement System of the Philippines, “Tinimbang ngunit kulang” – nilalayon ng workshop na bigyang-diin ang halaga ng mga tumpak na sukat at kung paano maaaring makaapekto ang pagpasa ng panukalang batas sa modernisasyon ng sistema ng pagsukat ng Pilipinas.

Ang Metrology, o ang agham ng pagsusukat, ay lumilikha ng isang “karaniwang pag-unawa” sa mga yunit na mahalaga hindi lamang sa mga aktibidad ng tao tulad ng pagluluto at pagkontrol sa temperatura ng appliance kundi pati na rin sa mga malalaking proseso tulad ng produksyon at pagmamanupaktura ng mga produkto sa komersyal na industriya.

Sa kasalukuyan, ang tanggapan ng metrology sa Pilipinas ay kasalukuyang gumagana bilang isang dibisyon o laboratoryo sa ilalim ng DOST-Industrial Technology and Development Institute.# (Cathy Cruz)

Latest

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5%...

Health enthusiasts and experts unite at the USANA Health Symposium

USANA Philippines, in its unwavering commitment to promote health...
spot_imgspot_img

Tulfo Brother Solidifies lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere

ACT-CIS Representative Erwin Tulfo’s voter preference increased by 2.5% in the latest 2025 Senate Survey of Tangere. Cong. Erwin Tulfo, achieved high voter preference...

Ant International Unveils its Global Sustainability Initiative ‘AquaViva’, Leveraging Digital Innovations and Ecosystem Partnerships for Marine Conservation

In partnership with Conservation International, AquaViva launches its first project – whale shark conservation in Indonesia SINGAPORE, 18 November 2024 – At the UN Climate...

Ant International deploys AI to streamline and protect cross-border transactions for nearly 100 million SMEs worldwide

AI-based FX model able to predict hourly currency exchange rates Anti-deepfake technology has detection success rate over 99% November 12, 2024, Singapore – Ant International, a...