Feature Articles:

Mga tauhan ng DAR-MIMAROPA pinagbuti ang kasanayan upang matulungan ang mga ARB sa pamamahala ng negosyo sa bukid

Dumalo ang mga Municipal Agrarian Reform Officers (MAROs), Development Facilitators (DFs) at iba pang tagapagpatupad ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa rehiyon ng MIMAROPA sa apat na araw na pagsasanay sa agrarian reform community (ARC) organizing and development (ARCOD) upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagbabalangkas ng mga epektibong mga gawain at plano sa pagbuo ng mga komunidad ng sakahan.

Sinabi ni DAR Regional Director Marvin Bernal na ang pagsasanay ay idinisenyo upang itaas ang kakayahan ng mga implementer hindi lamang sa community organizing kundi pati na rin sa enterprise development at management.

“Ang pagsasanay na ito ay mahalaga para sa mga MARO at DF sa pagsasagawa ng mga aktibidad na pangn egosyo sa mga komunidad ng repormang agraryo sa Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan,” sabi ni Bernal.

Sinabi ni Bernal na ang aktibidad ay bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Kalihim Conrado Estrella III, na pagbutihin at iangat ang buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanila na maging farmer-entrepreneur.

Ang mga kalahok ay binigyan ng mga kasanayan sa mga makabagong pamamaraan upang bumuo ng mga ARC, paghahanda ng kanilang plano sa pagpapaunlad at pagbalangkas ng isang taong plano para sa 2023.

Sinabi ni Bernal na nangako ang mga kalahok na pagbubutihin ang kalidad ng pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) para sila ay maging aktibong kalahok sa mga pagsusumikap sa pagpapaunlad ng pamahalaan.

Nakumpleto ng mga kalahok ang apat na modyul: Enhancing Personal Effectiveness, Internalizing community development perspective, Acquiring ARC Development Skills, at Formulating the learning action plan.

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...