Nakatanggap ng may kabuuang 26.53 ektarya ng lupang agrikultural mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) Tatlumpu’t tatlong (33) agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa lalawigan ng Cebu.
Ang mga lupaing ipinamahagi ay mula sa mga bayan ng Barili, na binubuo ng 12.68 ektarya na ipinamahagi sa 11 ARB; sa bayan ng Badian, na may 7.27 ektarya para sa 14 na ARBs; at Argao, na may 6.58 ektarya para sa walong (8) ARBs.
“Masayang-masaya kami na sa wakas ay natanggap na namin ang mga titulo ng lupa ng mga ari-arian na binubungkal ng aming mga ninuno sa loob ng maraming taon. Maraming salamat sa DAR,” ani Nick Manigos, isa sa mga ARB na tumanggap ng titulo mula sa bayan ng Barili.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay DAR Secretary Conrado Estrella III, na pabilisin ang pamamahagi ng mga lupa sa mga magsasakang walang lupa.
Binati ni Grace Fua, Provincial Agrarian Reform Program Officer II, ang mga magsasaka at pinaalalahanan sila ng kanilang mga responsibilidad at obligasyon habang habang kanilang tinatanggap ang mga lupaing ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
“Lagi ninyong tandaan na may pananagutan kayong bungkalin ang mga lupaing ibinigay sa inyo. Bibigyan ka ng DAR ng mga kinakailangang suporta upang maging produktibo ang inyong sakahan,” aniya.
Hinikayat din ni Fua ang mga magsasaka na sumali sa mga organisasyon ng mga ARB dahil aniya ay idinadaan ng DAR ang iba’t ibang suportang serbisyo sa pamamagitan ng mga organisasyong ito.