Feature Articles:

OP pinuri ang DAR sa 100 porsiyentong pagtugon sa mga kliyente nito

Pinuri ng Office of the President ang Department of Agrarian Reform (DAR) para sa mabilis at 100-porsiyento nitong pagtugon at pagkilos sa lahat ng 451 mga usapin at mga alalahanin na ipinarating sa atensyon nito noong nakaraang taon sa ilalim ng 8888 Citizens’ Complaint Center ng pamahalaan.

Ipinarating ni Bernadette B. Casinabe, director ng 8888 Citizens’ Complaint Center ang papuri sa isang liham na nakalaan para kay DAR Secretary Conrado III para sa isang mahusay na trabaho nito.

“Ikinagagalak naming ipaalam sa inyo na sa 451 alalahanin ng mga mamamayan na isinangguni sa inyong tanggapan mula Enero 1, 2022 hanggang Nobyembre 30, 2022, 451 na tiket o 100 porsiyento ang naaksyunan. Pinupuri namin ang inyong pagsisikap sa pagtiyak na ang lahat ng alalahanin ng mga mamamayan na isinangguni sa inyong tanggapan ay naaaksyunan sa oras,” ani Casinabe.

Ang 8888 Citizens’ Complaint Center ay itinatag noong Hunyo 2007 upang magsilbing mekanismo kung saan ang mga mamamayan ay maaaring mag-ulat ng kanilang mga reklamo at hinaing sa mga aksyon ng red tape sang-ayon sa itinatadhana ng Republic Act 9485 na tinagurian bilang “Anti-Red Tape Act, na sinusugan ng RA No. 11032.

Tumutugon din ito sa mga kaso ng katiwalian laban sa lahat ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan, mga korporasyong pag-aari o kontroladong ng pamahalaan, mga institusyong pananalapi at iba pang mga instrumentalidad.

Hangad ni Casinabe ang “patuloy nating pagtutulungan laban sa red tape at katiwalian.

Marubdob namang pinasalamatan at tinanggap ni Estrella ang papuri habang tiniyak niya sa lahat ng opisyal at mga kawani ng 8888 Citizens’ Complaint Center at sa publiko, sa pangkalahatan, na ang DAR ay patuloy na magsisikap at sa dagliang pagtugon at pagganap sa mga usapin at mga alalahaning ipararating ng mga kliyente nito.

“Kami ay patuloy na magsisikap upang matiyak na ang bawat usapin at alalahaning ipararating ng ating mga mamamayan kaugnay sa mandato ng DAR ay matututgunan at maaaksyunan nang nasa oras at mabilis dahil pinahahalagahan namin ang tiwala at kumpiyansa ng mga mamamayan,” ani Estrella.

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...