Matapos ang pilot episode ng S&T Features noong Oktubre na nagpapakita ng mental health, ang pangalawang episode ay nagbigay naman ng tutok sa industriya ng 3D Printing sa Pilipinas nitong Disyembre 28, 2022 sa pamamagitan ng Facebook Live ng DOST S&T Fellows Program.
Ang S&T Features ay isang online na palabas na naglalayong isulong ang S&T Fellows Program sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga nagawa at pakikilahok ng S&T Fellows sa kani-kanilang ahensya ng DOST.
Para sa episode na ito, itinampok ni Dr. Mark Christian Manuel, isang S&T Fellow na nakatalaga sa Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC) ang Advanced Manufacturing Center (AMCen), ang state-of-the-art hub ng bansa sa additive manufacturing.
Ayon kay Undersecretary for Research and Development Dr. Leah J. Buendia na layunin ng S&T Fellows Program na hikayatin ang mga kasanayan at kadalubhasaan ng ating mga Pilipinong mananaliksik, siyentipiko, at inhinyero na magsagawa ng pananaliksik at pag-unlad sa iba’t ibang ahensya ng DOST. “Ako ay natutuwa na mayroon tayong isa na maaaring patnubayan ang landas sa lumalagong industriya ng 3D Printing sa bansa,” dagdag pa nya.
“Ang industriya ng 3D Printing sa Pilipinas ay tumataas at inaasahang magkakaroon ng malaking epekto sa iba’t ibang industriya tulad ng pangangalaga sa kalusugan, aerospace, automotive, arkitektura, konstruksyon, at iba pa. Nais kong makita ang Pilipinas na maging kapantay ng ibang mga bansa pagdating sa 3D Printing at ang aking kontribusyon bilang S&T Fellow partikular na sa AMCen ay nagbibigay ng pagkakataon para sa akin na tuparin ang pangarap na iyon,” pahayag ni Dr. Manuel.
Para higit pang talakayin ang maraming pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng AMCen sa mga stakeholder at partner, nakasama ni Dr. Manuel sina Engr. Joseph Alfred Garcia, Officer-in-Charge-Supervising Science Research Specialist, Materials and Process Research Division sa DOST-MIRC at Mr. Voltz Gaviola, Marketing Manager sa Makerlabs Electronics, isa sa mga kasosyo sa industriya ng AMCen.
Para mapanood ang pangalawang episode ng S&T Features, paki-click lang ang link: https://www.facebook.com/DOST.STFellows/videos/598165115449049
Upang malaman ang higit pa tungkol sa DOST S&T Fellows Program, mangyaring sundan ang aming Facebook page: https://www.facebook.com/DOST.STFellows.
Para sa mga katanungan, maaari kang magpadala sa amin ng mensahe sa pamamagitan ng email sa sntfellows@dost.gov.ph.#