Feature Articles:

Mga kuwento ng Siyentistang Pilipinong nakadiskubre ng pinakamalalim na bahagi ng karagatan sa mundo ginawang pambatang aklat

Ang kuwentong pambata tungkol sa isang nangungunang siyentistang Pilipino na nakadiskobre ng isa sa pinakamalalalim na bahagi ng karagtan sa mundo ay naging daan upang mabuo ang kolaborasyon sa pagitan ng University of the Philippines Diliman – College of Science at College of Arts and Letters  upang isulong ang serye ng multilingual na mga kuwentong pambata tungkol sa mga buhay ng mga Pilipinong mananaliksik.

Nakatakdang ilunsad ang “Sulong-Agham Book Series” sa Disyembre, kasama ang librong “Doktor ng Dagat”. Isinulat ni KAL Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) Professor Emeritus Dr. Rosario Torres-Yu at isinaayos para sa publikasyon ng Supling Sining, Inc., pinapaksa ng aklat ang buhay at pananaliksik ni Dr. Deo Florence Onda ng UPD-CS’ Marine Science Institute (MSI), ang unang Pilipino at isa sa mga unang tao na gumalugad sa Emden Deep na bahagi ng Philippine Trench.

Ikatlong pinakamalalim na bahagi ng mundo, ang Emden Deep ay isa sa mga pinakamahirap na marating kahit na ito’y 100 kilometro lamang ang layo mula sa Eastern Samar. Kahit na ganito ang katangian ng nasabing lugar, hindi ito nakaligtas sa tao. Kakailanganin ninyong basahin ang kuwento upang malaman kung ano ang nakita ni Dr. Onda sa kailaliman ng karagatan, sanhi upang ilaan ni Dr. Onda ang kaniyang buhay upang imulat ang publiko tungkol sa pangangalaga ng masiglang yamang-karagatan.

Muli nating mababasa ang buhay ni Dr. Onda sa kuwentong pambatang isinulat ni Dr. Torres-Yu, kinikilalang kuwentista at minamahal na tagapayo, kasama ang likhang-sining na gawa ni Paul Eric Roca. Maliban sa pagkakamit ng parangal at kalaunan bilang isa sa mga hurado ng prestihiyosong Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, naging dekano ng UPD-CAL at direktor ng UPD-Sentro ng Wikang Filipino si Dr. Torres-Yu. Samantala, kinikilala ang husay ni Roca bilang pintor, ilustrador, at editorial cartoonist na nailathala na sa mga pandaigdigang publikasyon.

Nakasulat sa wikang Filipino ang “Doktor ng Dagat” at isinalin sa Cuyonon, ang inang wika ni Dr. Onda, at sa wikang Ingles. Una ito sa mga libro sa ilalim ng Sulong-Agham Book Series, isang proyekto sa pagitan ng UPD-CS at UPD-CAL, na naglalayong pukawin ang mga kabataang Pilipino na magpakadalubhasa sa agham, teknolohiya, inhenyeriya, at matematika o STEM sa pamamagitan ng pagpapakita ng buhay at mga ginagawa ng Pilipinong siyentista. Ang iba pang libro sa serye ay ilalathala sa Filipino at iba pang wika sa Pilipinas na may salin din sa wikang Ingles.

“Inaasam natin na sa pamamagitan ng serye ng mga kuwento, gaya ng nasimulan na kay Dr. Onda, ay makapagluwal ng bagong henerasyon ng siyentista at mapukaw ang isip ng publiko na mas maging maka-agham”, ani Dr. Torres-Yu.

“Ang mapaghawan na poryekto sa pagitan ng CS at CAL ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kolaborasyon sa pagitan ng sining at agham at inaanyayahan ang mga batang mamababsa na maranasan ang nakamamanghang mundo ng agham”, banggit ni UPD-CS Dean Giovanni Tapang.

“Doktor ng Dagat” at ang Sulong-Agham Book Series ay pormal na ilulunsad sa Disyembre 12, 2022 ganap na 4:00 ng hapon sa lobby ng CS Administration Building sa UP Diliman. Bukas ang Supling Sining sa mga sponsor na nagnanais na magbigay ng libro sa mga komunidad, sa halagang ₱100 kada libro.

 Upang makakuha ng kopya ng “Doktor ng Dagat” o magtanong tungkol sponsorships, mangyaring i-kontak si China Pearl de Vera at chinapearldevera@gmail.com. Para sa mga panayam at iba pang kahilingan, i-kontak ang media@science.upd.edu.ph. 

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...