Bilang suporta sa pagdiriwang ng 18-araw na Campaign to End Violence Against Women (VAW), nagsagawa ang National Housing Authority (NHA) ng isang araw na face-to-face Tactical Self-Defense Training para sa mga babaeng empleyado nito ngayong December 9 2022 sa GSD Traning Room, Quezon City.
Ang pagsasanay sa Tactical Self-Defense ay naglalayon na turuan ang mga kababaihan kung paano ipagtanggol ang kanilang sarili sa mga sitwasyong nagbabanta sa buhay, paglalapat ng taktikal na pagtatanggol at mga kasanayan sa pakikipaglaban.
Mahigit 50 empleyado mula sa iba’t ibang Departamento at Rehiyon ng NHA ang lumahok sa pagsasanay at nakakuha ng kaalaman at mga pangunahing kasanayan sa pagtatanggol sa sarili laban sa biglaang marahas na pag-atake.
Pinangunahan ng Gender and Development Advocacy, Networking and Public Communications Committee (GAD-ANPCC) na pinamumunuan ni Acting Division Manager ng Information Division – Corporate Planning Department na si Maricris G. Maninit sa pakikipagtulungan ni Dindo De Jesus, ang Chief Instructor at Regional Director para sa Asia Krav Maga Training Center Inc at International Krav Maga Federation Philippines (IKMF).
Ang Krav Maga ay isang Israeli martial art na binuo para sa Israel Defense Forces. Isang kumbinasyon ng mga diskarte na ginagamit sa Aikido, Judo, Karate, Boxing, at Wrestling. Si G. De Jesus ay nagsagawa ng combat skills training kasama ang Security Officers ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang Philippine Security and Protection Group ng PNP, ang Presidential Security Group (PSG), ang Special Anti-Terrorist Unit ng Davao City, ang First Scout Ranger Regimen ng Philippine Army, DBM, PAGCOR, at maraming iba pa.# (Cathy Cruz)