Feature Articles:

Mga produktong pampaganda mula sa tatlong uri ng tahong

Ang tahong (Perna viridis) ay isa sa mga pagkaing dagat na nakitaan ng karagdagang gamit na maaaring makapagtaas sa kontribusyon nito sa ekonomiya ng pangingisda sa bansa. Maliban sa pagkonsumo nito bilang pagkain, mayroon itong potensyal na gamit bilang sangkap sa mga produktong pampaganda.

Ito ay natukoy sa proyektong, “Extraction and Utilization of Mussel Glycogen under the Mussel Biotechnology Program” na pinangungunahan ng University of the Philippines Visayas – Tacloban Campus na pinondohan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD). Kabilang din sa proyekto ang paggamit ng bahong (Mytella strigata) at abahong (Modiolus philippinarum).

Upang makabuo ng mga produktong pampaganda gaya ng ‘cream’ o pampahid, at sabon, kinuha ang ‘glycogen’ mula sa mga tahong kung saan ang mga ito ay ipoproseso sa mga laboratoryo sa pamamagitan ng makabagong kaalaman sa ‘biotechnology.’ Ang mga pinrosesong glycogen sa laboratoryo ay epektibo sa pagkuha naman ng ‘nucleic acid’ sa pamamaraang ginamitan ng Polymerase Chain Reaction o PCR.

Nagsagawa ng ‘feasibility study’ sa ‘market operations’ gaya ng produksyon, organisasyon, at pamamahala ng produkto upang malaman kung maaari itong i-‘manufacture’ at malaki ang magiging potensyal na kita dito sa merkado. Naipakita sa ‘financial analysis’ na mataas ang Internal Rate of Return (IRR) na 193.95% at Benefit-Cost-Ratio (BCR) na 1.70. Ang IRR ang inaasahang paglago ng puhunan bawat taon, samantalang ang BCR na higit pa sa 1.0 ay nakapagbibigay ng positibong ‘net present value.’

Ang mga pag-aaral sa paggawa ng karagdagang gamit sa tahong bukod sa bilang pagkain ay isinagawa dahil ang industriya ng pagtatahong ay labis na naapektuhan ng mga harmful algal blooms (HABs) na siyang sanhi ng ‘red tide.’ Ang red tide ay nagdudulot ng kabawasan sa kita sa industriya na umaabot sa P250 milyon sa bawat pagkakataon na ito ay nangyayari. (Dr. Leni Yap-Dejecto, University of the Philippines Visayas-Tacloban Mussel Research Team; Isinalin sa Filipino ni Jamsie Joy Perez)

DESCRIPTION:
Ang proyektong, “Extraction and Utilization of Mussel Glycogen under the Mussel Biotechnology Program” na pinondohan ng DOST-PCAARRD ay nagsasagawa ng pag-aaral sa pag-debelop ng ibang gamit sa tahong na maaaring makapagtaas sa kontribusyon nito sa ekonomiya ng pangingisda sa bansa.

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...