Feature Articles:

Pag-amyenda ng economic provision suportado ng 61.9% Pinoy

Malaking pagtaas ng suporta ng maraming Pilipino mula noong...

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong...

NAST PHL sa Senado: Ipasa ang Philippine Building Act para pahusayin ang pambansang katatagan at kaligtasan ng Publiko

Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST...

Mga magsasaka sa Liliw, Laguna, natulungan ng proyektong pinondohan ng DOST-PCAARRD

Natulungan ng programang, “Agroforestry Support Program for Enhancing Resiliency of Community-Based Forest Management Areas (ASPIRE-CBFM)” ang Liliw Upland Farmers’ Multi-Purpose Cooperative (LUFAMCO) ng Brgy. Luquin sa Liliw, Laguna. Ang programa ay pinondohan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD). 

Itinataguyod ng LUFAMCO ang ‘agroforestry model’ nito na sumusunod sa sistemang nakatuon sa pagtatanim ng gulay, kung saan ginagamitan ng ‘intercropping’ o pagtatanim ng higit pa sa isang halamang agrikultural sa isang taniman. Ayon sa modelo, maaaring magtanim ng mga gulay at lamang ugat gaya ng kamote, kamatis, repolyo, at sitaw. Rinekomenda ng programa sa mga magsasaka ang pagtatanim ng sili (Capsicum annuum) bilang karagdagang tanim. 

Ilan sa mga natulungan ng proyekto, sina Enrico Aversu, Henry Brosas, at Eliser Moredo ay nagsabi na malaki ang naitulong ng mga kagamitang makina sa kanilang pagsasaka dahil nakatitipid sila sa gastusin para sa ‘farm inputs.’ Ito ay dahil nakagagawa sila ng organikong pataba gamit ang mga makinang ‘multi-purpose shredder,’ ‘fermentation drums,’ ‘aerator/brewer,’ at ‘juice extractor’ na siyang ginagamit sa bawat siklo ng kanilang pagtatanim.

Sa kasalukuyan ay nakagagawa na sila ng kanilang sariling organikong pataba gaya ng Fermented Fruit Juice (FFJ), Fish Amino Acid (FAA), Fermented Plant Juice (FPJ), Bio Organic Fertilizer (BOF), at ‘Indigenous Microorganism (IMO).

Namigay rin ang programa ng mga punla ng pili at lipote na siya namang itatanim sa lugar at magsisilbing pangsangga sa mga malalakas na hangin at pangtanda hangganan ng sakahan.

Kalakip ng modelong agroforestry ay ang pagtatanim ng mga kakawate na siyang nagsisilbing balag. Itinatanim rin ang mga kakawate sa gilid ng mga dalisdis na siyang nakatutulong upang panatilihin ang anyo ng lupa at maipon ang mga tubig sa mga sakahan.

Upang maiwasan ang pagguho ng lupa, naglagay ng mga makabagong teknolohiya gaya ng ‘Automated Rain Gauges (ARGs)’ sa mga lugar na nakitaan ng posibilidad ng pagguho nito. Ang Department of Environment and Natural Resources-Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB) ay tumulong sa pagtunton ng mga lugar na paglalagakan ng mga ito at magsisilbing gabay para sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Offices (MDRRMO).

Ang ARG ay binuo upang makatulong sa pagtatala ng dami ng tubig-ulan sa oras na tutukuyin nito. Ang mga datos ay awtomatikong pinadadala sa pinakasentrong istasyon na siya namang gagamitin upang agarang ipagbigay-alam ang inaasahang dami ng ulan sa mga lugar na apektado nito.# (Engelbert R. Lalican, Eman Noel G. Cañada, Christine Anne O. Wang; Isinalin sa Filipino ni Jamsie Joy Perez)

DESCRIPTION:
Natulungan ng programang, “Agroforestry Support Program for Enhancing Resiliency of Community-Based Forest Management Areas (ASPIRE-CBFM)” ang LUFAMCO ng Brgy. Luquin sa Liliw, Laguna. Ang programa ay pinondohan ng DOST-PCAARRD. 

Latest

Pag-amyenda ng economic provision suportado ng 61.9% Pinoy

Malaking pagtaas ng suporta ng maraming Pilipino mula noong...

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong...

Democratic Member Control- the Core of Coop Identity and a key to a successful cooperative enterprise

In strengthening the core of the cooperative identity and...

Nangunguna ang ACT-CIS sa mga party-list na kagustuhan ng mga botante — survey

Ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Inc....

Newsletter

spot_img

Don't miss

Pag-amyenda ng economic provision suportado ng 61.9% Pinoy

Malaking pagtaas ng suporta ng maraming Pilipino mula noong...

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong...

Democratic Member Control- the Core of Coop Identity and a key to a successful cooperative enterprise

In strengthening the core of the cooperative identity and...

Nangunguna ang ACT-CIS sa mga party-list na kagustuhan ng mga botante — survey

Ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Inc....

NAST PHL sa Senado: Ipasa ang Philippine Building Act para pahusayin ang pambansang katatagan at kaligtasan ng Publiko

Ang National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST...
spot_imgspot_img

Pag-amyenda ng economic provision suportado ng 61.9% Pinoy

Malaking pagtaas ng suporta ng maraming Pilipino mula noong nakaraang buwan ang naging kinalabasan ng surbey na isinagawa ng Tangere na umabot sa 61.9...

People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) nagpahayag ng suporta kay PBBM

Nagpahayag ng suporta sa pamahalaan partikular kay Pangulong Bongbong Marcos ang People's Alliance for Democracy and Reform (PADER) sa pamamagitan ng paglagda ng isang...

Democratic Member Control- the Core of Coop Identity and a key to a successful cooperative enterprise

In strengthening the core of the cooperative identity and restoring the fundamental principle of Democratic Member Control, the Philippine Chamber of Cooperatives Inc. in...