Dalawang ahensya sa ilalim ng DOST – ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) at ang Forest Products Research at Development Institute (DOST-FPRDI) ang nagtulungan sa isang proyekto upang mapaunlad ang mga negosyo ng mga magkakawayan sa Laguna.
Ang proyektong “Enhancing the Growth of Bamboo-based Enterprises in Laguna,” na pinopondohan ng DOST-PCAARRD at ipinapatupad ng DOST-FPRDI ay pinangungunaha ni Dr. Ma. Cecile B. Zamora. Ito ay bahagi ng programang Agri-Aqua Business Hub (AABH) ng DOST-PCAARRD na pagpapaunlad sa mga negosyong naka-sentro sa agrikultura at pangisdaan. Ang proyekto ay sinusuportahan at itinataguyod ang paglago ng mga negosyo ng mga magkakawayan sa Laguna sa pamamagitan ng pagbuo ng mga estratehiya na tutugon sa mga hamon sa bawat parte ng ‘value chain’ ng kawayan.
Tinaguriang berdeng ginto ng bansa, ang kawayan ay kinikilala bilang isang mahalagang ‘ecological’ at produktong importante para sa ekonomiya. Sa kabila nito, ito ay itinuturing pa rin na hindi pangunahing produkto ng kagubatan na kailangan pang pagyamanin ang kabuuang kapakinabangan nito.
Sa kabila ng suporta mula sa iba’t ibang ahensya sa Laguna, ilang negosyo ng mga magkakawayan ay hindi umuunlad dahil sa kinakaharap na mga hamon sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang proyekto ay inaasahang magpapaunlad sa kanilang kabuuang operasyon sa pamamagitan ng mga pagsasanay, ‘mentoring,’ pag-konek sa mga magkakawayan sa merkado at mga institusyon, at iba pang mga inisyatibo. Ang mga stratehiyang ito ay alinsunod sa ‘framework’ at metodolohiya sa pagpapaunlad ng mga negosyo na nabuo ng AABH.
Mas tinalakay pa ang proyekto sa isang ‘inception meeting’ na ginanap noong ika-10 ng Pebrero 2022. Dinaluhan ito ng tatlong eksperto na sina Professor Dinah Pura Depositario at Assistant Professor Mar Cruz, parehong mula sa Department of Agribusiness Management and Entrepreneurship ng University of the Philippines Los Baños (DAME-UPLB), at Mr. Jose Alvaro C. Nito, Managing Director ng Planters Produce Corp at CEO ng Binhi PH. Nagbigay sila ng mga pananaw at mungkahi kung paano mapagbubuti ang mga estratehiya upang matugunan ng mga mananaliksik ang mga layunin ng proyekto.
Bukod sa direktang epekto ng proyekto sa mga lokal na negosyo, pinuri rin ng mga eksperto ang tulong nito sa pagpapa-angat ng industriya ng kawayan sa pangkabuuang aspeto. Ito ay dahil sa pagsisilbi nitong pamantayan para sa mga susunod na inisyatibong magpapaunlad sa industriya ng kawayan sa ibang mga probinsya at rehiyon. Bukod pa rito, ang resulta ng value chain assessment para sa industriya ng kawayan ay lubhang makatutulong sa pagbuo ng mga programa at polisiya.
Ang proyekto ay tinututukan ng AABH bilang bahagi ng inisyatibo nitong pagyamanin ang potensyal ng mga negosyong AANR sa bansa. # (Rebeka A. Paller, Mell Jhazmin V. Cablayan, DOST-PCAARRD S&T Media Services, isinalin sa Filipino ni Melrose Masugbod)
DESCRIPTION:
Dalawang ahensya sa ilalim ng DOST – DOST-PCAARRD at DOST-FPRDI ang nagtulungan sa isang proyekto upang mapaunlad ang mga negosyo ng mga magkakawayan sa Laguna.