Feature Articles:

Libu-libong magsasaka nakinabang sa pagsasanay, pautang, at tulong teknikal – sa unang 100 araw ni Estrella

Libu-libong agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa ang nakinabang mula sa iba’t ibang suportang serbisyong interbensyon na ibinigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa unang 100 araw sa pamumuno ni Secretary Conrado M. Estrella III.

Sa isang ulat na isinumite kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malacañang, tinukoy ni Estrella na kabilang ang pagsasanay, pagbuo ng organisasyon, pagpapa-unlad ng negosyo, pag-uugnay sa merkado, pag access sa pautang, pagkakaloob ng mga input sa sakahan, makinarya at kagamitan, sa iba’t ibang suportang serbisyo na ipinagkakaloob ng DAR sa mga ARB.

“Ang land redistribution ay kailangang tapatan ng suportang serbisyo at mga hakbangin sa pagpapaunlad upang maipatuloy natin ang kapakinabangan ng programa. Ang ating sistematikong paghahatid ng suportang serbisyo ay makatutulong sa pagpapalakas ng potensiyal ng mga ARB at mapataas ang produksiyon ng lupaing tinganggap nila mula sa pamahalaan,” aniya.

Binanggit ni Estrella na mula Hulyo hanggang Seteyembre 2022, ang DAR ay nakapagbigay ng pagsasanay sa 171,122 ARB, na 125.33% ng 136,533 target na ARB nito para sa parehong panahon.

Ang mga pagsasanay ay kinabibilangan ng organizational development, livelihood development, farm productivity enhancement technologies at marketing strategies para matulungan silang maging mas mahusay na mga magsasaka upang mag-ambag sa pagpapatatag sa sektor ng agrikultura ng bansa.

Sa panahon ding ito, ang DAR ay nakapagbigay ng access sa credit at microfinance services sa 55,626 ARB, na 117.64% ng 47,286 target na ARB ng ahensiya. Ang mga serbisyong ito ay makatututlong sa kanila na palakasin ang kanilang produksyon sa sakahan at mga aktibidad pang-kabuhayan.

May kabuuang 1,070 ARB organisasyon ng mga ARB ang napagkalooban ng iba’t ibang tulong teknikal na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng organisasyon, mga serbisyo sa pagpapaunlad ng negosyo, at pagkakaloob ng mga makinarya at pasilidad ng sakahan, bukod sa iba pa.

Ayon kay Estrella, isa sa batayan ng tagumpay ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay ang transpormasyon ng agrarian reform communities na maging self-reliant communities na makatutulong sa pag-angat ng agro-industrialization.

Idinagdag pa ni Estrella na inaasahan ng ahensiya na ang mga interbensyon na ipinagkaloob ay magkakaroon ng agarang epekto sa pagtaas ng produktibidad ng lupa, madagdagan ang kita ng kanilang sambahayan at maitaguyod ang kapakanan ng mga ARB.

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...