Feature Articles:

Farm Biz School, natuto ang magsasaka ng Sarangani sa pagnenegosyo

Kiamba, Sarangani – Tatlumpu’t apat na agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Kapate Agrarian Reform Beneficiaries and Farmers Association (KARBFA) sa bayan na ito ang nagsabing bumuti ang kanilang pamamahala sa negosyo sa bukid matapos nilang dumalo sa Farmer Business School (FBS) na isinagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang FBS, na 12-linggong sesyon sa agricultural entrepreneurship, ay alinsunod sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na itaas ang kaalaman ng mga magsasaka.

Ayon kay FBS graduate at best business plan awardee Fructuso Olaer, natulungan ng programang ito na mapaunlad ang kanilang abilidad sa pamamahala ng sakahan sa pamamagitan ng pag-uudyok sa kanila na magkaroon ng entrepreneurial mindset at mailabas ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo.

“Ang malaking ipinagpapasalamat ko sa FBS ay ang mga module kung saan itunuro sa amin ang prinsipyo ng agro-enterprising na napakahalaga para sa amin upang umunlad bilang mga negosyante,” aniya.

Sinabi ni Olaer na ang lahat ng kanyang mga kapwa magsasaka ay nagpasya na gagamitin nila ang estratehiyang pagnenegosyo na kanilang natutunan sa kanilang mga sakahan.

“Isinama ko sa aking plano sa negosyo ang tamang financial recording, na isang napakahalagang yugto sa isang negosyo sa pagsasaka. Maingat ko ring binuo ang farm schedule at klase ng mga itatanim ng naaayon sa kanilang input, gastos, at inaasahang kita,” pagpapaliwanag niya.

Sa kanilang seremonya ng pagtatapo, pinuri ni H. Roldan A. Ali, AL-HAJJ, DAR-Region 12 OIC-Assistant Regional Director, ang mga nagtapos at sinabi niya na bigyan ng importansiya ang panghabambuhay na pag-aaral at pagsasaliksik upang umunlad.

“Sa taglay ninyong business mindset, makikita ninyo ang mga oportunidad na lumalabas sa harap ninyo. Malalaman ninyo kung paano, kalian at saan ibebenta ang inyong mga produkto. Mabibigyan din ninyo ng konsidersayon na mag-value-adding upang mas lumaki ang kita,” ani Ali.

Bukod sa pagtuturo sa mga ARB sa mga paraan upang mapabuti ang negosyo, ang mga sesyon ng FBS ay nagbigay din sa mga miyembro ng asosasyon ng mga paraan upang mabuo ang kanilang pakikipagkaibigan, pagtutulungan ng magkakasama at ang diwa ng boluntarismo.

Makikita ito nang ipahiram ng dalawa sa pamilya ng Arciaga , na kasapi ng KARBFA ang kanilang mga lupa para sa pagsasaka ng gulay ng kanilang grupo. Ang mga ARB ay nagsagawa na ng kanilang unang pag-ani at magkakaroon uli sila ng mga susunod na pag-ani sa susunod na linggo.#

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...