Feature Articles:

Soccsksargen ARBOs magiging SEC-registered na

Naging magkatuwang kamakailan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Soccsksargen region at ang Securities and Exchange Commission-Davao Extension Office (SEC-DEO) upang ang mga agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) ay maging rehistrado sa SEC at makatanggap pa ng mas maraming suporta mula sa pamahalaan.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na paunlarin ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiary.

Ayon kay Mariannie S. Lauban-Baunto, DAR Soccsksargen Director, ang pagkakasundo sa pagitan ng dalawang ahensiya ay ang kauna-unahang national government agency partnership sa south-central Mindanao Region.

“Ang ating partnership sa SEC-DEO ay bahagi ng ating pangako na matulungan ang ating mga ARBO. Ang kanilang mga negosyo ay mapagbubuksan ng maraming posibilidad patungo sa kaunlaran,” aniya.

Idinagdag pa ni Baunto na sinusuportahan ng ahensiya ang partnership na ito at nangako na gagabayan ang mga ARBO upang magparehistro sa SEC at patuloy din nilang sususportahan ang kanilangpag-unlad at gayundin ang kanilang mga kasapi.

Ang agreement ay ipinatupad sa ilalim ng SEC Communication, Advocacy, and Network (SEC CAN!) campaign.

Sinabi ni Katrina Jamilla Ponco-Estares, SEC-DEO Director, na ang partnershipay napakahalaga para sa SEC CAN! campaign, dahil ito ay hudyat ng partisipasyon ng mga ahensiya hindi lamang sa kanilang base region, Davao region, atgsyundin sa iba pang lugar sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon..

“Kinikilala naming na hindi naming ito magagawa ng kami lamang. Kaya’t inilunsad namin ang programang SEC CAN! dalawang taon na ang nakalilipas sa Head Office, at noong nakaraang Abril sa siyam na extension offices ng Komisyon,” ani Ponco-Estares.

Idinagdag pa niya na tutulungan nila ang mga grupo ng magsasaka na itaas ang lebel ng kanilang mga asosasyon dahil ang pagsisikap na ito ay magbubukas ng mga bagong oportunidad para sa sa kanila.#

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...