Home Agriculture P789-k halaga ng farm implements palalakasin ang produksyon ng mga magsasaka sa...

P789-k halaga ng farm implements palalakasin ang produksyon ng mga magsasaka sa Sarangani

0
59

Glan, Sarangani Province – May kabuuang PhP 789,000 halaga ng farm implements sa Busok-Baliton Communal Irrigators Association, Inc. (BBCIAI) ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Barangay Baliton, PaBurBaCa agrarian reform community, upang tulungan silang mapagbuti ang kanilang produksyon sa sakahan at mga aktibidad sa agrikultura.

Ang probisyon ng farm implements, na kinabibilangan ng collapsible dryer, knapsack sprayers, hand tractor, floating tiller , grass cutter, at heavy-duty weighing scale, ay alinsunod sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na paigtingin ang interbensyon sa support service.

Tinanggap ni BBCIAI Chairperson Paharlito Bolilo ang mga farm machinery at equipment sa ngalan ng farmers’ association.

“Nagpapasalamat kami sa biyayang ibinigay ninyo. Ang kakulangan namin sa kagamitan ay naging balakid sa pagpapayaman ng aming mga sakahan sa panahon ng mga kalamidad. Sa suportang ibingay ninyo, naniniwala ako na mas marami na kaming maa-ani sa mga darating na araw,” aniya.

Sineguro ni Bolilo na ang mga magsasaka ay mabibigyan ng mga obligasyong alagaan ang mga farm implements at pananatilihin ang magandang kondisyon ng mga ito.

Ang mga makinarya ay ipinagkaloob sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project – Major Crop-based Block Farm Project, na naglalayong tugunan ang seguridad ng pagkain sa gitna ng pagbabago ng klima sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng suportang pangkabuhayan sa anyo ng mga makinarya at kagamitang pansaka, mga input sa sakahan, at mga interbensyon sa pagpapaunlad ng kapasidad.

Pinaalalahanan ni Project point-person Engineer Kaddafe Palao ang BBCIAI na ang DAR ay kanilang katuwang sa pagbibgay ng suportang serbisyo sa mga agrarian reform beneficiaries.

“Ang mga farm implements ay magagamit sa pagpapataas ng inyong produktibidad ng palay, magkaroon kayo ng koordinasyon sa pamamahala ng mga makinarya upang matulungan natin ang lalawigan na makamit ang kasapatan sa pagkain,” aniya.#

NO COMMENTS