(Updated) Nanawagan ang mga magsasaka ng palay ng Mabandi Multi Purpose Cooperative (MPC) in Pulong Bayabas, San Miguel, Bulacan and the Federation of Central Luzon Farmers Cooperative (FCLFC) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na itaas ang farmgate price ng malinis at tuyong palay o unmilled rice sa halagang P23 kada kilo.
Maigting din nila hinihiling sa Pangulo na ibalik ang “regulatory powers” ng National Food Authority’s”regulatory powers” upang matiyak na may pagbebentahan ng palay ang mmga magsasaka sa mataas na halaga at may murang bigas na mabibili ang mga mahihirap na Pilipino.
Matatandaan na ang NFA ang bumibili ng palay sa mga magsasaka bago pa man binuwag ang tungkuling ito ng nasabing ahensya bunsod ng pagkakapasa ng Rice Trarrification Law.
Bagaman anila may ayuda o financial assistance na ibinibigay batay sa kagustuhan ng namumuno at hindi dahil kailangan o resonable, higit na gusto ng mga magsasaka ang makatrungan mas maayos na paraan ng negosyo.
“Hindi lahat nakatatanggap ng ayuda, 75% lang ng magsasaka… yun lang malapit sa mga nakapuwesto sa pamahalaan. Kung maitataas ng P23 kada kilo sa farmgate ang palay lahat ng magsasaka makikinabang,” saad Atanacio Santos ng Mabandi MPC.
Mabibigyang lutas ang suliranin ng seguridad ng pagkain ng bansa kung sigurado ang magsasaka kung saan nila dadalhin ang palay nila nang di palugi ang presyo. “Providing a stable farmers’ market is a function that has been practised by countries with progressive, profitable agriculture sector.” paglalahad ni Atanacio
Nakasaad sa bukas na liham sa Pangulo na “Kung talagang magnanais tayo na magkaroon ng sapat na pagkain ay ipatupad natin ito at hindi puro salita lamang. Ang patuloy na pagwawalang bahala ay hudyat ng kamatayan ng pangsakahan. Patuloy na maghihirap ang mga magsasaka at tuluyang mawawalan ng pagkain ang taong bayan.”
Samantala sa isang buwanang Usapang Pagkain PCAFI-han, binanggit ni Federation of Central Luzon Farmers’ Cooperative (FCLFC) Chairman Simeon Sioson na ang pagtaas ng P23 kada kilo ay tulong sa mga magsasaka para sa mga gastusin tulad ng binhi, fertilizer, diesel at irigasyon. Hiwalay pa dito ang patuloy na pagtaas ng fertilizer, diesel at pestisidyo na lalong nagpapalaki ng production cost.
Dagdag pa nya, ang farmgate price ay bumaba ng P18 hanggang P19 kada kilo at umabot pa ito ng P10 hanggang 14 kada kilo. Napakalaking kawalan umano ito sa mga magsasaka na nagdulot ng pagkalugi at humantong sa pagsuko nang magtanim o pagbebenta ng lupang sinasaka.
Binanggit din nyang ang pamahalaan ay makikinabang din sa pagkolekta ng valude added tax (VAT) na puwede ipang-subsidy. Bago pa man ipinatupad ang Rice Traffication Law, may nabibiling murang NFA rice sa halagang P27 kada kilo subalit ngayon ay wala na.
Dapat aniya na ang pamahalaan ang mahigpit na nagbabantay sa kakulangan ng bigas sa bansa dahil mapipigilan nito ang anumang labis sa dami ng domestic rice na nagiging dahilan ng kumpetisyon ng presyo sa mga magsasaka. Ang nakikinabang lang sa pag-aangkat ay ang mga magsasaka ng Vietnam at Thailand.
Maging ang buffer stocking function ng gobyerno para sa mga lean months, na may antas ng imbentaryo na kinakailangan ay nasa 30 araw, ay tutugunan sa pamamagitan ng mas mataas na produksyon mula sa mga insentibong magsasaka. Dapat, ang mga Pilipinong magsasaka ang pinoproteksyunan ng pamahalaan. Kung may kulang pa sa na-ani ng magsasaka saka lang dapat tayong umangkat,” pagtatapos ni Sioson.
“Tinatamaan din kami ng climate change tulad ng mga bagyo, pagbaha at kung minsan tagtuyot. Apektadong apektado rin kami ng inflation,” pahabol ni Sioson.
Mariing binanggit din ni Danilo V. Fausto, Pangulo ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. sa nasabing PCAFI-han na ang NFA ay di dapat nag-iisip ng pagkita tulad ng pribadong kumpanya. Ang layunin nito ay para makialam at tulungan ang rice sector. #