ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Senior Deputy Administrator ng National Irrigation Administration (NIA) ang dating Pangulo ng National Press Club. Nilagdaan ng Pangulo ang Appointment noon pang Enero 19, 2022.
Matatandaang si Benny Diaz Antiporda ay dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) undersecretary ng Solid Waste Management and Local Government Units (LGU) Concerns at naging board member ng Subic Bay Metropolitan Authority. Pinalitan ni G. Antiporda si Abraham B. Bagasin. Samantala, wala umanong kinalaman ang napaulat na pag-resign ni DENR Secretary Roy Cimatu sa paglipat ni Antiporda sa NIA sa halip kalusugan ang dahilan ng pag-alis ng huli sa nabanggit na ahensya.
Si G. Antiporda ay naging Pangulo ng Confederation of ASEAN Journalists (CAJ)at National Press Club of the Philippines bilang isang mamamahayag. Nagtapos sya ng kolehiyo sa Chiang Kai Shek College.
Ilang kasamahan kawani sa DENR ang nagbigay ng pagpupugay kay Antiporda sa huling araw ng pananatili nito sa nasabing ahensya.
“Don’t be afraid to start from scratch” and “Take time to touch people’s hearts”, yan ang laging ibinibilin nya sa kanyang mga kaibigan at katrabaho.
Naniniwala naman si Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na muling mapagtatagumpayan ni Antiporda ang posisyon sa NIA. Kailangan umano mapagbuti pa ang serbisyong irigasyon upang umunlad ang sektor ng pagsasaka sa bansa.#