Feature Articles:

DENR nakahanap ng kakampi sa mga NGOs para sa paggamit ng kawayan sa Marikina watershed rehab

            Nakahanap ng katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa iba’t-ibang non-government organizations para sa implementasyon ng bagong programa para sa rehabilitasyon ng Marikina Watershed sa pamamagitan ng paggamit ng kawayan bilang “planting materials.”

            Ang memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan ng mga nasabing grupo at siyang magbibigay sa “program partners” ng bamboo production technology training at good agro-forest practices upang magkaroon ng bamboo social enterprises habang pinalalago ang mga tanim, base na rin sa mga alituntunin ng DENR. Sakop ng programa ang 20 ektaryang lupain sa Marikina Watershed na ipamamahagi sa pamamagitan ng DENR’s Enhanced National Greening Program. Kabilang sa mga signatories ng MOA ang Rotary International District 3830, Samahang Kawayan ng Karugo Agri Farmers Association, at Philippine Bamboo Foundation Inc. at ang DENR Calabarzon.

            “Bago pa man ginawa ito ay kinilala na ng ating kalihim ang prayoridad at pagkilala sa bamboo bilang pangunahing species na pino-promote ng DENR,” saad ni DENR-Region 4A Executive Director Nilo B. Tamoria sa ginanap na program launch sa DENR Central Office noong Pebrero 16.

            “Nabuo po ang Task Force Build Back Better at ang isa sa mga estratehiya ay ang watershed management diyan sa upper Marikina River Basin sa tulong ng riverbanks stabilization para maging stable ang riverbanks na dinadaluyan ng tubig kapag malakas ang ulan,” aniya.

            Ayon pa kay Tamoria, noong 2021 ay itinayo ang seedling nursery sa Sitio Karugo, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal ng Rotary International Districts 3780 at 3830.

            Sinabi pa nito na ang programa ay kinakailangan para makamit ang “total rehabilitation” ng Marikina Watershed.

            Binigyang-diin ni dating DENR Secretary Roy A. Cimatu ang kahalagahan ng paggamit ng kawayan sa construction industry at mapababa ang epekto ng climate change.

             “Bamboo is not just an alternative to construction materials but it also helps in mitigating climate change. This is why I am pushing for the creation of mini bamboo forests in the country which will also spur a vibrant bamboo lumber industry,” saad ni Cimatu na kumakailan ay nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang Kalihim ng DENR dahil sa kanyang kalusugan.

            Ang inisyal na yugto ng proyekto ay kasama ang pagtatayo ng nursery kabilang na dito ang pagpapalaki ng bamboo planting materials mula anim hanggang walong buwan, habang ang ikalawang yugto ay ang pagtatanim ng “grown bamboo planting materials sa 20-hectare land na inilaan para sa Rotary International District 3830 sa pakikipagtulungan ng Samahang Kawayan ng Karugo Agri Farmers Association.

            Sakop ng MOA ang pagbibigay ng proteksiyon ng kalupaan sa loob ng limang taon.

            Sa ginanap na seremonya, ang DENR at ang Rotary International District 3830 ay pinangunahan ang turnover ng tseke na umaabot sa One Million and Thirty Pesos (P1,000,030.00) sa Samahang Kawayan ng Karugo Agri Farmers Association para sa funding ng rehabilitation project.

            Ang proyekto ay pinasimulan ng Philippine Bamboo Industry Development Council at ng Task Force Tayo ang Kalikasan.

            Ang MOA signing ay pinangunahan nina Tamoria, Rotary International District 3830 district governor Dr. Ma. Jocelyn Genevieve L. Tan, Philippine Bamboo Foundation Inc. president Edgardo C. Manda, at Samahang Kawayan ng Karugo Agri Farmers Association president Edgar Mariano.

            Samantala, ang mga signatories naman sa 10-hectare site sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal ay sina Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ng DENR Region 4A, Rotary International District 3780 district governor Edgardo N. Ayento, Tribal Council Association ng Puray Inc. president Angelito V. Cruz, at ni The Bamboo Professionals Inc. president Robert A. Natividad. Ibinigay ng Rotary International District 3780 ang tseke na may halagang Five Hundred Thousand Pesos (P500,000.00).

            Naging punong-abala sa event ang tanggapan ni DENR Officer-in-Charge Jim O. Sampulna. ### (Strategic Communication and Initiatives Service (SCIS)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

spot_imgspot_img

Mataas na presyo, mga pangunahing isyu sa katiwalian para sa mga partylist group, ACT-CIS nangunguna pa rin sa survey -Tangere

Batay sa resulta ng 'non-commissioned' survey ng Tangere, pangunahing isyu at alalahanin na dapat pagtuunan ng mga party list group ay ang pagbaba ng...

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...