Feature Articles:

The Art of the One-Sided Deal Under the PH–U.S. ART Framework

Ang "The Art of the One-Sided Deal Under the...

Trump itinutulak ang Stablecoins habang nalulubog ang halaga ng dolyar

WASHINGTON D.C.—Nagbabala ang ilang ekonomista at eksperto sa pinansya...

Cathy Cruz

Maria Catherine E. Cruz-Suba is a seasoned Filipino media...

Pinatalsik na miyembro ng NPC dahil sa matinding paglabag ng media ethics

Ang National Press Club of the Philippines (NPC), ang pinakamalaking samahan ng mga aktibong mamamahayag ay ipinahayag ngayong araw, ika-16 ng Pebrero 2022 ang pagpapatalsik mula sa listahan ng mga kasapi at di na kailanman maaaring maibalik, na si Jaime Aquino na isang provincial correspondent sa Pangasinan ng Manila Times.

Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)

Sa isang joint press conference sa NPC building kasama si Palace Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at Atty. Freddie Villamor, Aquino kasama ang kanyang grupo sa Pangasinan na inakusahang ng mga paggawa ng kasong bogus panggagahasa na naging dahilan ng pagkakakulong ng 5 buwan sa Pangasinan ni Lopez, Quezon councilor, Arkie Manuel Yulde.

Lopez, Quezon councilor, Arkie Manuel Yulde

Si Yulde ay kritiko ng isang pulitiko sa Quezon na naipakulong bunsod ng kasong panggagahasa at kidnapping na pinaghandaan ng grupo ni Aquino upang sirain ang pangalan at reputation nito sa media na naging sanhi ng pagkamatay ng magulang ni Konsehal Yulde.

Kamakailan ay nakalabas na si Yulde matapos magawang patunayan ni Atty. Villamor sa korte na ang mga kasong isinampa ay pawang gawa-gawa lamang.

Cagayan Export Zone Authority (CEZA) administrator and Northern Luzon presidential adviser, Secretary Raul Lambino

Nitong Enero, si Aquino at ang kanyang mga kasama na kinabibilangan ng kanyang live-in partner, trabahador at ilang kahina-hinalang kasapi ng Pangasinan Press ay sinubukan ding gawin kay Cagayan Export Zone Authority (CEZA) administrator and Northern Luzon presidential adviser, Secretary Raul Lambino, kanyang maybahay na isang Mangaldan mayor Marilyn De Guzman Lambino.

Si Lambino ay inakusahan ng 10 counts of rape, child abuse at serious physical injuries samantala ang asawa nito ay kinasuhan ng abuse of authority, grave misconduct, dishonesty at oppression sa Tanggapan ng Ombudsman sa kanilang 2 katulong sa bahay.

Batay sa imbestigasyon, ang mga akusa laban sa mga Lambinos ay pawang gawa-gawa ni Aquino. Upang palabasing makatotohanan ang akusasyon sa mga Lambinos, inilabas umano nito ang isang Prof. Salvador de Guzman, chair of the ‘Citizen Movement Against Crime, Corruption Illegal Drugs and Gambling, Inc. Lumalabas din na si Aquino at de Guzman ay iisang tao lang samantalang ang binabanggit na ‘citizen movement’ ay hindi rin totoo.

“We don’t know what is worse—media groups inventing journalists as victims of violence so they can get funding from abroad or, members of the press concocting bogus charges against prominent personalities in exchange for money,” Gutierrez said.

“We are now announcing the expulsion of Mr. Jaime Aquino from the roster of NPC members without any possibility of reinstatement,” Gutierrez added.

Muling pinaalalahanan ni Paul Gutierrez, Pangulo ng National Press Club ang lahat ng mga kasapi ng NPC na mahigpit sundin ang Journalist of Code of Ethics at kailanman ay huwag matuksong gumawa ng kahalintulad na masamang gawain upang kumita ng pera o magamit sa pulitika lalong ngayong panahon ng eleksyon.

Pinasalamatan naman ni Gutierrez ang Manila Times sa agarang pagtanggal kay Aquino simula nitong Enero 18, 2022, matapos makakuha ng mga kahina-hinalang istorya lalo na sa mag-asawang Lambino.

Si Aquino ay isa sa 4 nang pinatalsik sa NPC dahil sa matinding paglabag ng Journalist Code of Ethics at mga patakaran mula noong 2016. #

A Journalist’s Code of Ethics

I. I shall scrupulously report and interpret the news, taking care not to suppress essential facts nor to distort the truth by omission or improper emphasis. I recognize the duty to air the other side and the duty to correct substantive errors promptly.

II. I shall not violate confidential information on material given me in the exercise of my calling.

III. I shall resort only to fair and honest methods in my effort to obtain news, photographs and/or documents, and shall properly identify myself as a representative of the press when obtaining any personal interview intended for publication.

IV. I shall refrain from writing reports which will adversely affect a private reputation unless the public interests justifies it. At the same time, I shall write vigorously for public access to information, as provided for in the constitution.

V. I shall not let personal motives or interests influence me in the performance of my duties; nor shall I accept or offer any present, gift or other consideration of a nature which may cast doubt on my professional integrity.

VI. I shall not commit any act of plagiarism.

VII. I shall not in any manner ridicule, cast aspersions on or degrade any person by reason of sex, creed, religious belief, political conviction, cultural and ethnic origin.

VIII. I shall presume persons accused of crime of being innocent until proven otherwise. I shall exercise caution in publishing names of minors, and women involved in criminal cases so that they may not unjustly lose their standing in society.

IX. I shall not take unfair advantage of a fellow journalist.

X. I shall accept only such tasks as are compatible with the integrity and dignity of my profession, invoking the “conscience clause” when duties imposed on me conflict with the voice of my conscience.

XI. I shall comport myself in public or while performing my duties as journalist in such manner as to maintain the dignity of my profession. When in doubt, decency should be my watchword.

(As adopted at the NPC Convention of April 30, 1988)

https://nationalpressclubphilippines.com/2017/02/27/a-journalists-code-of-ethics/

KODIGONG PANGKAGANDAHANG ASAL NG MAMAMAHAYAG

I. Iuulat at ipaliliwanag ko ang balita nang tapat at iingatan kong huwag maikubli ang mahahalagang katotohanan o mabago ito dahil sa hindi pagpapahayag nito o sa pagbibigay ng diin sa mga bagay na hindi dapat bigyang-diin. Batid ko ang tungkuling ibigay ang pahayag ng kabilang panig at ang tungkuling iwasto agad ang malalaking pagkakamali.

II. Igagalang ko ang kumpidensiyal na impormasyong nalaman ko dahil sa pagtupad ko sa aking tungkulin.

III. Mga pamamaraang parehas at walang daya ang gagamitin ko sa pagsisikap na makakalap ng balita, mga larawan at/o mga dokumento, at ipakikilala ko nang tama ang aking sarili bilang kinatawan ng pamamahayag kapag magsasagawa ng ilalathalang personal na panayam.

IV. Iiwasan ko ang pagsusulat nang labis na nakasisira sa isang pangalan maliban kung ang ganito ay binibigyang katuwiran alang-alang sa kagalingan ng publiko. Gayon din, masigasig kong ipaglalaban ang madaling pagkuha ng publiko sa kailangang impormasyon, gaya ng itinatadhana ng konstitusyon.

V. Hindi ko hahayaang maimpluwensiyahan ako ng mga personal na motibo o interes sa pagganap sa aking mga tungkulin; at hindi rin ako tatanggap ng anumang regalo o pagsasaalang-alang na maaaring maging dahilan ng pag-aalinlangan sa dangal ng aking propesyon.

VI. Hindi ako magkakasala ng plagiarism.

VII. Hindi ako manunuya sa anumang paraan, maninira ng puri, o mang-iinsulto ng sinumang tao dahil sa kanyang kasarian, paniniwala, pananampalataya, paninindigang pampolitika, pinagmulang kultura o etniko.

VIII. Ipapalagay kong walang sala ang mga taong napaparatangan ng krimen hanggang sa mapatunayan ito. Mag-iingat ako sa paglalathala ng mga pangalan ng menor de edad at kababaihang nasasangkot sa mga kasong kriminal upang hindi masira nang walang katarungan ang kanilang katayuan sa lipunan.

IX. Hindi ako mananamantala sa kapuwa mamamahayag.

X. Tatanggapin ko lamang ang mga gawaing nababagay sa integridad at dangal ng aking propesyon, dumudulog sa “sugnay ng konsiyensiya” kapag ang mga tungkuling iniaatang sa akin ay sumasalungat sa tinig ng aking budhi.

XI. Sa aking pagkilos, o pagsasagawa ng mga tungkulin bilang mamamahayag, pananatilihin ko ang dangal sa aking propesyon. Kapag may alinlangan, kagandahang-asal ang dapat na maging gabay ko.

Isinalin ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF)

s/p Sangay ng Pagsasalingwika

Puno, Gng. Elvira B. Estravo

Marso 16, 2011

Latest

The Art of the One-Sided Deal Under the PH–U.S. ART Framework

Ang "The Art of the One-Sided Deal Under the...

Trump itinutulak ang Stablecoins habang nalulubog ang halaga ng dolyar

WASHINGTON D.C.—Nagbabala ang ilang ekonomista at eksperto sa pinansya...

Cathy Cruz

Maria Catherine E. Cruz-Suba is a seasoned Filipino media...

PSME, Pinaigting ang pagsusulong ng Nuclear Energy sa ilalim ng “Atoms for Peace” Legacy

Sa layuning tiyakin ang seguridad sa enerhiya at pangmatagalang...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

The Art of the One-Sided Deal Under the PH–U.S. ART Framework

Ang "The Art of the One-Sided Deal Under the...

Trump itinutulak ang Stablecoins habang nalulubog ang halaga ng dolyar

WASHINGTON D.C.—Nagbabala ang ilang ekonomista at eksperto sa pinansya...

Cathy Cruz

Maria Catherine E. Cruz-Suba is a seasoned Filipino media...

PSME, Pinaigting ang pagsusulong ng Nuclear Energy sa ilalim ng “Atoms for Peace” Legacy

Sa layuning tiyakin ang seguridad sa enerhiya at pangmatagalang...

Pasaporteng Maltese ni Teodoro, nagdulot ng pagsisiyasat sa legalidad at seguridad ng bansa

Nahaharap ngayon sa matinding pagsusuri si Defense Secretary Gilberto...
spot_imgspot_img

The Art of the One-Sided Deal Under the PH–U.S. ART Framework

Ang "The Art of the One-Sided Deal Under the PH–U.S. ART Framework" ni Anna Malindog-Uy ay isang mapanuring artikulo tungkol sa diumano’y hindi patas...

Trump itinutulak ang Stablecoins habang nalulubog ang halaga ng dolyar

WASHINGTON D.C.—Nagbabala ang ilang ekonomista at eksperto sa pinansya na maaaring humantong sa matinding kaguluhan ang bagong polisiya ni Pangulong Donald Trump na suportahan...

Cathy Cruz

Maria Catherine E. Cruz-Suba is a seasoned Filipino media practitioner, civic leader, and public servant whose dynamic career spans over three decades across government,...