Feature Articles:

Labor inspection muling ipagpapatuloy ng DOLE

Matapos itong pansamantalang suspindihin noong Disyembre ng nakaraang taon, ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipagpatuloy ang mga labor inspection sa buong bansa upang matiyak ang pagsunod ng mga establisyimento sa mga batas-paggawa. 


Ayon sa Administrative Order No. 11, Series of 2022 na ipinalabas noong ika-19 ng Enero, pinahintulutan ni Bello ang mga labor inspector ng Kagawaran na magsagawa ng mga karaniwang inspeksyon, pagsisiyasat ng mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa paggawa, inspeksyon sa mga reklamo, at espesyal na inspeksyon sa mga establisimyento hanggang sa ika-31 ng Disyembre 2022, maliban kung mas maaga itong babawiin.


Inatasan din ni Bello ang mga Regional Director ng DOLE na maglabas ng kaukulang kautusan sa kani-kanilang nasasakupan na mag-inspeksyon at mag-imbestiga sa mga partikular na establisimyento o lugar-paggawa.

Sa ilalim ng nabanggit na Administrative Order, mahigit 600 labor inspectors ang binigyan ng awtoridad na magsagawa ng labor inspection sa mga establisimyento sa buong bansa.

Samantala, 126 na mga technical safety inspector ang pinahintulutan na magsagawa ng Technical Safety Inspection ng mga boiler, pressure vessel, internal combustion engine, elevator, hoisting equipment, electrical wirings, at iba pang mga mechanical equipment installation.

Dagdag dito, ang mga technical safety inspector na mga lisensyadong mechanical at electrical engineer ay inaatasan na magsagawa ng paunang pagsusuri at pagtatasa sa mechanical at electrical plans para sa pagbibigay ng Permit to Operate ng mechanical equipment at Certificate of Electrical Inspection para sa mga electrical wiring installation.

Ang mga technical safety inspector ay mga labor inspector ng DOLE na pawang lisensyado o mga professional engineer na sumailalim sa Technical Safety Inspection Training.

Sa nasabing kautusan, pinaalalahanan din ni Bello na ang mga itinalagang Hearing Officers lamang ang magsasagawa ng mandatory conferences para sa mga inspeksyon na kinakitaan ng mga paglabag.

Kabilang sa mga awtorisado ang 485 Hearing Officers na inatasang magsagawa ng mga mandatory conference matapos ang panahon ng pagwawasto o “correction period” para sa mga paglabag sa pangkalahatang pamantayan sa paggawa, mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho, at mga panuntunan sa pangongontrata o sub-contracting.

Panghuli, 115 regional office personnel ang itinalaga bilang Sheriff na mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga ipinalabas na writ of execution, pagpapatupad ng mga desisyon, at pagganap ng mga pinal na desisyon at kautusan.

Matatandaan na nitong nakaraang Disyembre, inatasan ni Bello ang lahat ng mga DOLE regional director ang pansamantalang ipagpapatigil ng lahat ng aktibidad na may kinalaman sa labor inspection sa kani-kanilang mga rehiyon upang bigyang-daan ang Kagawaran na tapusin ang lahat ng mga nakabinbing kaso sa labor standards at maihanda ang inspection program para sa taong 2022.

Umabot sa 90,327 ang bilang ng mga establisyimento na sumasaklaw sa 3.7 milyong manggagawa sa buong bansa ang dumaan sa inspeksyon noong 2021. END/aldm/gmea

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra...

USTR spotlights positive developments on Philippine IP enforcement and work with Greenhills

The United States Trade Representative (USTR) has put a...

PCSO: nakuha ang World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification

Nakakuha ng World Lottery Association (WLA) Level 2 Certification...
spot_imgspot_img

Cong. Erwin Tulfo maintains the lead in the latest 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey of Tangere despite the decline in voter preference

Manila, Philippines — Despite a considerable 5% drop in his voter preference due to the recent concern about being an undocumented worker in the...

Both President Marcos and Vice President Duterte experienced declines in their satisfaction and trust rating during the month of January 2025 – Tangere Survey

Manila, Philippines — A recent survey conducted by Tangere has revealed that both of Vice President Sara Duterte’s satisfaction (45.5% to 40.6%) and trust...

Two thirds of voters in Abra favor Bersamin over Bernos as Governor

Bangued, Abra, Philippines — 68% of voters in Abra favors Eustaquio ‘Takit’ Bersamin as ProvincialGovernor in the upcoming 2025 Elections over Joaquin Bernos, who...