
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsagawa ang Crimes and Corruption Watch International (CCWI) ng inspection at evaluation ng mga proyektong natapos na, sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Pampanga 2nd District.

Umaga ng ika-6 ng Agosto, bago tumulak ang mga Observer ng CCWI ay nagsagawa ng briefing sa mga kasamang Observer ang dating Assistant Secretary ng DPWH na si Walter R. Ocampo.

Matatandaang naitalaga si Engr. Walter R. Ocampo ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong June 18, 2019 mula sa posisyon nitong Director ng Bureau of Construction.
Si Engr. Walter Ocampo ay nakapaglingkod sa pamahalaan sa loob ng 4 na dekada at kasalukuyang isa sa haligi ng Crimes and Corruption Watch International na pinamumunuan ng dating Board Member ng Camarines Sur na si Carlo Magno Batalla.

Ang Crimes and Corruption Watch International ay opisyal na organisasyong kinilala ng DPWH batay sa nilagdaan nilang Memorandum of Agreement (MOA) upang maging katuwang ng nasabing ahensya ng pamahalaan sa pagbantay at paglaban sa korapsyon.
Sa kabila ng pandemya, hindi kayang pigilan na mabantayan at matiyak na ang mga proyekto ng DPWH ay nagawa ng tama at ayon sa specification na nakasaad sa approved bid projects. Ilan sa mga proyektong ito ay ang Slope Protection Angeles-Porac By Pass Road; Construction of Slope Protection along Caulaman River; Rehabilitation of Dike with Slope Protection along Caulaman River, Barangay Gutad, Floridablanca, Pampanga; Construction of Slope Protection along Porac River, Solib, Floridablanca, Pampanga; at Consat/Repair/Rehab/Improvement of various infra including local projects-local roads-rehabilitation of Remedios to Bacal Sinubli Road, Lubao, Pampanga.

Samantala, makikita sa isang larawan ang CCWI Observers at opisyal ng DPWH Pampanga 2nd District na nagsagawa ng inspection at evaluation.#