March 17, 2021 – INILUNSAD ng Puno Sagip Buhay ang sarili nitong palatuntunan sa Katipunan Channel na naglalayong maabot ang higit na maraming kababayan sa bansa upang ipabatid ang kahalagahan ng Lagundi Vitex Negundo na tanging napag-aralan ng ating bansa para sa lumalaganap na kaso ng CoViD 19.
Ang Puno Sagip Buhay ay isang adbokasya na itinatag ni G. Patrick Roquel, ang Founding Director ng Biofarm and Natural Health Ingredients Co.; Pangulo ng GH Nutripharma, Inc. at ROQS International Consumer Health Corporation (RICHCorp), na nagsusulong ng “I Plant, I Share, I Save Communities.”
Taong 2010 nang sumali sa Agribusiness ng herbal plants. Dito pinag-aralan ni Roquel ang larangan ng pagsasaka partikular ang pagtatanim ng mga halamang gamot. Tinuklas maging ang proseso ng mga mabangong langis ng Citronella.
“I Plant, I Share, I Save Communities.” Sa patuloy na pagtuklas ni G. Roquel ng mga halamang gamot, isa ang Lagundi sa mga tinutukan upang paramihin dahil Lagundi umano ang nangungunang halamang gamot na pinag-aralan ng Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya o Department of Science and Technology.
Dahil wala naman syang sapat na laki ng lupa para itanim ang mga punla ng Lagundi, kumausap sya ng mga magsasaka upang itanim, palakihin at alagaan sa pangakong ang maaaning dahon ng Lagundi ay kanyang bibilhin upang may pagkakitaan ang ating mga kababayang magsasaka.
Hanggang ngayon, tulad ng paglago ng mga Lagundi ay pagbuti rin ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng alternatibong pagkakakitaan sa halamang gamot.
At bilang isang post Kidney Transplant patient nagmamalasakit si G. Patrick Roquel sa mga dumadaan sa matinding karamdaman. Bilang pasasalamat, inilunsad nya ang “SAGIP BUHAY” na palatuntunan upang magbigay inspirasyon sa mga nawawalan na ng pag-asa.
Sa pamamagitan ng palatuntunan, tinuturuan ni Roquel ang kanyang mga tagasubaybay kung paano maging malusog at kumita sa pamamagitan ng halamang gamot at mga produktong kanyang nalikha tulad ng Padre Pio Citronella Natural Derma Antibody Spray and Mosquito Repellent, Happy Cha Lagundi Tea Beverage at 1mmune Advance Lagundi Capsule with Malunggay, Vitamin C and Zinc.#